Pagtanggal sa pondo sa communicable diseases iniapela

Rep. Janette Garin

NI NOEL ABUEL

Nanawagan si Iloilo Rep. Janette Garin sa Department of Health (DOH) na tutukan at iprayoridad ang prevention and control ng mga  communicable diseases sa harap ng pagtapyas ng P4.2 bilyon o 71.21% sa budget para sa disease prevention na inilipat ang pondo sa health promotion program ng ahensya.

Sinabi ni Garin, vice chairman ng House Committee on Appropriations na ang ganitong hakbang ng DOH ay maituturing na “wrong priority” lalo at nahaharap pa rin ang bansa sa pandemic.

“We are in dire need of funds and these funds was transferred to the health promotion office and to the blood center and other voluntary blood services, laudible naman po ang programa pero mahirap po kasi i-explain sa taumbayan na ang tinapyas ng DOH ay para sana sa  program ng communicable diseases, marami pa tayong challenges, ang pondo na ito ay pwede nang ibili ng dagdag na gamot kontra COVID, pwedeng ibili para sa monkeypox at gamitin sa ibang pangangailangan, my point is the pandemic is not yet over bakit natin tatapyasan ang control and prevention disease,” tanong  ni Garin.

Ilan sa communicable diseases na dapat tutukan ayon kay Garin ay ang COVID, tuberculosis, monkeypox, leptospirosis, encephalitis at ang HIV/AIDS na nagkaroon na ng pagtaas ng kaso nitong mga nakalipas na taon dahil mas natutukan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Sa talaan ng National HIV/AIDS Registry  ay umabot na sa 100,000-mark ang HIV cases sa bansa sa unang 6 na buwan pa lang ng taon.

Bagama’t dinepensahan ni DOH officer-in-charge Rosario Vergeire ang desisyon ng DOH na tapyasan ang budget para sa communicable diseases dahil hindi naman bibili ngayong taon ng Personal Protective Equipment (PPE) at GeneExpert Cartridges na ginagamit na test para sa tuberculosis, COVID, hepatitis at HIV, iginiit ni Garin na ang prevention and control ng communicable diseases ay hindi lang dapat nakasentro sa pagbili ng PPE at test cartridges.

“Maganda ang health promotion nandiyan ang policy development, positive building advocacy maganda naman po ito pero babalik ulit tayo sa mas importante ba ‘yung health impact assessment and action research kaysa salbahin natin ang kalusugan ng ating kababayan,”dagdag ni Garin.

Sa naganap na budget briefing ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Vergeire na P95 bilyon ang hiningi nilang budget para sa COVID response subalit P24.98 bilyion lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management(DBM).

Sinabi ni Garin na mababa ang COVID response budget at tila kontra ito pahayag ng DOH na malayo pa ang “end of pandemic”.

“The budget is too low considering that the DOH themselves admitted that they are not looking at the end of pandemic as of this time because the country do not have a high population immunity as the wall of immunity the country had after the first primary series vaccine was affected by the omicron sub variant and have already waned” paliwanag ni Garin.

Payo ng lady solon sa DOH na huwag magpabaya sa mga communicable diseases lalo sa COVID dahil mismong mga health experts na ang nagbabala na maaaring tumaas ang admission sa mga ospital hanggang sa pagtatapos ng taon dahil mananatiling mataas ang infection rate hanggang mababa ang booster population ng bansa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s