
Ni NERIO AGUAS
Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsisimula ng konstruksyon para sa bagong main academic building ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main Campus sa Sta. Mesa, Maynila na tutulong sa pagtugon sa kakulangan sa silid-aralan at mga pasilidad sa pag-aaral.
Sa ulat kay Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni DPWH National Capital Region Director Nomer Abel P. Canlas na ang soon-to-rise modern 9-storey main school building ay papalitan ang lumang istraktura na may anim na palapag na tutulong sa lumalaking populasyon ng mga estudyante ng PUP.
“We are as excited as the students in the reopening of schools and return of in-person classes, and one of the ways we are welcoming back our Iskolar ng Bayan is by providing them a bigger, better learning environment,” sabi ni Canlas.
Pinangunahan ang ceremonial groundbreaking ni DPWH Assistant Secretary Antonio V. Molano, kasama ang PUP officials at faculty sa pangunguna ni University President Manuel M. Muhi at Executive Vice President Alberto C. Guillo.
Ang proyekto ay ipatutupad ng DPWH NCR kung saan sa Phase 1 sa North Wing magsisimula, na may paglalaan ng pondo na P187.3 milyon, at tinatayang matatapos sa loob ng 12 buwan.
