Meralco may refund sa Metro Manila consumers — solon

Rep. Dan Fernandez

NI NOEL ABUEL

Dapat asahan ng mga electricity consumers sa Metro Manila at kalapit lalawigan ang refund sa singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Ito ang sinabi ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, kung saan tumataginting na P105-billion refund sa power consumption sa loob ng anim na taon ang National Capital Region (NCR) habang ang mga nasa labas ng MM at labas sa hurisdiksyon ng Meralco ay makakahati sa P100 bilyon mula sa kani-kanilang power distributors.

 Paliwanag ni Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety,  na ang Meralco at iba pang power distributors sa bansa ay illegal na pinayagan ng Energy Regulation Commission (ERC) para kumita ng malaki o lagpas sa itinatakda ng batas simula pa noong 2016.

Dinagdag pa ng kongresista na sa kanyang argumento kaugnay ng nabunyag na iregularidad sa komputasyon ng weighted average cost of capital (WACC) na isinisisi sa mga opisyales ng ERC at electricity distribution firms.

Sa pagdinig ng House Committee on Energy noong nakaraang linggo, kinompronta ni Fernandez ang mga opisyales ng ERC dahil sa kabiguan ng mga ito na magsagawa ng komputasyon sa WACC  para maging legal na basehan sa pinapayagang kita ng mga power distribution companies.

Ipinaliwanag pa ni Fernandez na sa ilalim ng Republic Act No. 9136  o ang  Electric Power Industry Reform Act of 2001, ang re-computation ng WACC ay dapat na nangyari noong ikaapat na regulatory period na sumasakop sa taong 2016 hanggang 2019.

“ERC’s inability to do its responsibility as provided by law is highly suspicious.  As a result of their negligence, ERC officials made electricity cost in the country one of the highest, if not the highest in the region,” sabi pa ng kongresista.

Dahil aniya sa hindi kinuwenta ang WACC, ginamit ng ERC ang nakaraang WACC na P14.97 porsiyento at pinapayagan ang mga power distributors na itaas ang kita ng mga ito gamit ang WACC rate.

Idineklara rin ng kongresista na sa ilalim ng kasalukuyang economic situation ng bansa, ang WACC mula 2016 hanggang 2022 ay dapat na nasa anim na porsiyento hanggang walong porsiyento lang.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s