
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng paglindol ang ilang bahagi ng lalawigan ng Sultan Kudarat at Zambales, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-4:39 kaninang madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 4.3 na lindol na nakita ang sentro sa layong 018 km timog-kanluran ng bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat.
May lalim itong 005 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity III sa Lebak,Sultan Kudarat, intensity II sa Kalamansig, Sultan Kudarat, intensity I sa Senator Ninoy Aquino at Lambayong, sa nasabing probinsya.
Sa instrumental intensities, naitala ang intensity II sa T’Boli, South Cotabato at intensity I sa Kiamba, Sarangani.
Wala namang inaasahang aftershocks ang Phivolcs at wala ring naitalang malaking pagkasira mga gusali at kalsada dahil sa lindol.
Samantala, dakong ala-1:23 ng hapon nang maitala rin ang magnitude 3.8 na lindol sa lalawigan ng Zambales.
Natukoy ito sa layong 098 km timog-kanluran ng San Antonio, Zambales at may lalim na 013 km at tectonic ang origin.
