Bgy. chairmen kinalampag sa utos ng DILG:  BHW at BNS italaga

Rep. Angelica Natasha Co

NI NOEL ABUEL

Kinalampag ng isang kongresista ang mga punong barangay at konseho na sundin ang mga  tagubilin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa reappointment ng mga barangay health workers at barangay nutrition scholars sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Barangay Health and Wellness party list Rep. Angelica Natasha Co, binigyang diin ng DILG na ang mga kasalukuyang naglilingkod na mga BHW at BNS ay dumaan sa pagsasanay na ginastusan ng pamahalaan.

“Layon ng DILG na bigyan-diin na dapat ma-reappoint ang mga BHW at BNS upang patuloy makinabang ang mga barangay sa training at experience ng mga BHW at BNS.

“Dagdag gastos at pabigat sa gobyerno kung hindi mare-reappoint ang mga BHW at BNS at palitan ng mga walang training at experience,” ani Co na vice-chair ng Committee on Health sa Kamara.

“Ipinapanawagan natin ito upang maproteksyunan ang mga BHW at BNS laban sa palakasan system sa mga barangay,” ipinunto ni Co.

“Nananatiling may bisa at pinaiiral ng DILG ang gabay nito sa reappointment ng BHWs at BNS,” sabi pa ng kongresista.

Advertisement

2 Comments

  1. Good day ,,sana po mabigyan nang schoolar ang anak ng bhw/ bhs ,kahit man lng financials assestance,,,sa anak ng volunteer,,,salamat poh ,
    Salamat kay congreswoman,,natasha co,,,
    Sana may honoraria din galing ng national,,,,❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    Like

  2. Sana mapabalik at maaksyunan nyo ang pagkakatanggal samin bilang bhw na ang nakikita ko pong dahilan ay pulitika 2 po kaming tinanggal na nagsilbi po ako nang 11years and 6 mos.at ang kasama ko po e 16years maraming salamat po

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s