
Ni JOY MADALEINE
Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at batay sa rekomendasyon ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO), kinansela na ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw, September 20, 2022, Martes sa buong Lungsod ng Caloocan.
Ito ang sinabi ni Caloocan City Along Malapitan, base sa nararanasang malakas na pagbuhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha.
“Paalala po, kung sakaling nag-umpisa na po ang klase sa oras ng suspensyon, inaatasan natin ang bawat paaralan na tiyaking ligtas ang mga mag-aaral at bigyan ng karampatang pagkakataon ang mga magulang na masundo ang kanilang mga anak sa gitna ng masamang panahon,” sabi ni Malapitan.