20% discount sa mga government clearances para sa mga mahihirap iginiit

NI NOEL ABUEL

sinusulong ni Tutok to Win party list Rep. Sam “SV” Verzosa na maisabatas ang panukalang bigyan ng diskuwento sa mga government clearances ang mga mahihirap na naghahanap ng trabaho.

Sa inihaing House Bill No. 4828 na  Poor Job Applicants Discount Act na naglalayong magbigay ng twenty percent (20%) discount sa mga aplikante ng trabaho na kukuha ng mga pre-employment documents sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

“Malaking tulong sa mga nag-a-apply ng trabaho ang 20% discount sa bayarin para sa barangay clearance, NBI clearance, police clearance, medical certificate, marriage certificate, birth certificate, TOR at certificate of good moral character. ‘Yung iba nating mga kababayan umuutang pa para makapag-apply ng trabaho. Sila ang prayoridad natin na matulungan,” paliwanag ni Verzosa hinggil sa mga gastusin na kinakaharap ng mga mahihirap na gustong maghanap ng trabaho.

Sa panukala, maeengganyo ang mga mahihirap na maghanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagbigay ng 20% discount sa mga bayarin nila sa pagkuha ng government documents.

Una nang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroon nang 2.99 milyong Pilipino na walang hanapbuhay sa kasalukuyang taon.

Ibinahagi din nila na umabot sa 18.1 porsiyento ang poverty incidence noong taong 2021. Ibig sabihin nito na umaabot na sa 19.99 milyong Pilipino ang nabubuhay sa halagang mas mababa pa sa PhP12,030 kada buwan para sa isang pamilyang may 5 katao.

“Edukasyon at trabaho ang solusyon sa pag-ahon mula sa kahirapan. Nakaka-alarma na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho na ngayon ay aabot na sa halos tatlong milyon. May mga kabataang graduate nga sa kolehiyo pero hirap naman makapagsimula sa paghahanap ng trabaho dahil sa mataas na bayarin sa pagkuha pa lamang ng mga requirements,” sabi pa ng kongresista.

Binigyang diin ni Verzosa ang pagkilala at pakikipagtulungan sa mga manggagawa bilang isa sa mga napakahalagang haligi ng ekonomiya at ang pagkakaroon ng trabaho ng mas marami pang Pilipino ang susi na makakatulong na makaahon sa kahirapan ng milyun-milyong Pilipino.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s