
NI NOEL ABUEL
Umapela ang ilang kongresista sa mga magulang at seniors na pabakunahan na kontra COVID-19 ang mga batang edad 5 hanggang 11 dahil mayroon nang Pfizer vaccine para mga ito.
Sinabi ni Senior Citizen party list Rep. Rodolfo Ordanes, hindi na dapat na mag-alalang magkaroon ng malalang COVID ang mga bata kung mababakunahan dahil mas ligtas nang makakapasok sa paaralan at makakasalamuha na ang mga kalaro.
Hinimok nito sa mga alkalde na paigtingin pa ang vaccination campaign sa kani-kanilang lugar.
Umapela rin iti sa mga kapwa bakunadong seniors na kumbinsihin ang mga apo at magulang na magtungo na agad sa mga vaccination sites.
Samantala, inabisuhan ni Barangay Health and Wellness party list Rep. Angelica Natasha Co ang mga barangay health workers na ipagbigay-alam sa mga alkalde at kapitan ang kahandaan ng mga ito na bakunahan ang mga bata ngayong may Pfizer vaccine na pambata.
“I hope DOH will soon deploy the Moderna primary doses for young kids and the new bivalent boosters for adults and older kids. I also renew my call to the Philippine Food and Drug Administration (PH-FDA) for full approval of the Moderna and Pfizer primary doses,” ani Co, vice chair ng Committee on Health sa Kamara.
Ayon naman kay Ang Probinsyano party list Rep. Alfredo delos Santos na handa ito na mag-akda at sponsor ng DOH bill para sa mga nurse sa pribadong sektor.
Pabor din si Delos Santos na ibatay sa qualifications at experience ang minimum wage rates ng private sector nurses para tumaas ang kanilang mga sahod at madagdagan ang mga benepisyo.