Solon sa gobyerno: Bilhin ang ani ng magsasaka at maglagay ng drying facilities

Rep. Paolo Duterte

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ng ilang kongresista na dapat na kumilos ang pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang inaning palay sa merkado.

Ayon kay Davao City 1st District Rep. Paolo  Duterte at Benguet Rep. Eric Yap dapat na kumilos ang pamahalaan na bilihin ang farm produce ng mga local growers at magtayo ng palay drying facilities sa buong bansa  upang mapataas ang kita ng mga magsasaka at maabot ang food security ng bansa.

Sa inihain ng mga itong House Bill No. 3382, layon nito na masiguro na ang nasyunal at lokal na pamahalaan kukuha ng pagkain para sa kanilang school feeding programs mula sa mga lokal na magsasaka.

Gayundin, ang kukumleto sa panukalang ito ang HB 3383, na naglalayong paglaanan ng pondo para sa pagtatatag sa buong bansa ng mga modernong rice drying facilities na magagamit ng mga magsasaka ng libre.

Sinabi pa ni Duterte at Yap na ang kambal na hakbang na ito ay sumusuporta sa mga prayoridad na layunin ng gobyerno na muling pasiglahin ang sektor ng agrikultura ng bansa at labanan ang kagutuman lalo na sa mga batang nasa paaralan.

“It is only fitting to put our farmers first when attending to our countrymen’s urgent need for subsistence as our farmers are considered as the nation’s first responders in fulfilling our food requirements. This bill does not aim to derail fair competition in terms of foreign trade and importation, but to support the produce of our own,” sabi ng mga mambabatas.

Inaalala nina Duterte at Yap na sa kasagsagan ng pandemya, ang mga magsasaka ay sumagip sa maraming mahihirap na pamilyang Filipino sa pamamagitan ng pagbababa ng presyo at kung minsan ay nagpapakalat ng libre sa mga apektado ng COVID-19 kung saan nagpatupad ng lockdowns.

“The COVID-19 pandemic has altered every country’s priority. Aside from the reinforcement to healthcare institutions, what was also given the most important consideration is the provision and distribution of relief to the affected communities,” anila.

Sa ilalim ng HB 3382, ang national government agencies at mga local government units (LGUs) ay inaatasan na unahin ang pagbili ng mga ani ng mga magsasaka sa pagpapatupad ng kani-kanilang mga programang may kinalaman sa relief atschool feeding programs.

“Prioritizing the purchase of local produce shall mean the exhaustion of all available and applicable local produce at the most reasonable and practicable cost before resorting to imported or foreign produce,” ayon sa panukala.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s