DOST-Phivolcs nagbabala sa pagragasa ng volcanic materials sa Bulkang Taal at Pinatubo

Pinatubo volcano
Taal Volcano

NI MJ SULLIVAN

Nagpalabas ng babala ang Department of Science and Technology- Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOLS-Phivolcs) sa mga residente malapit sa bulkang Pinatubo at Taal volcano sa posibleng pagragasa ng lahar at mud flows bunsod ng malakas na ulat dulot ng Super Typhoon Karding.

 Ayon sa Philvolcs, base sa inilabas na Tropical Cyclone Bulletin #18 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Super typhoon “Karding” ay inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan bukas ng umaga sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON) at Central Luzon.

Dahil  sa inaasahang pag-ulan ay maaaring malusaw ang volcanic sediment o lahars, muddy streamflows o muddy run-off sa mga ilog at drainage sa Pinatubo at Taal volcanoes.

Sinabi pa ng Phivolcs na ang malakas na pag-ulan ay maaaring mag-generate ng non-eruption lahars sa mga pangunahing ilog sa katimugang bahagi ng Pinatubo volcano kung saan nakadeposito ang nakatambak pang lahat sediments sa mga watershed.

Ang Pinatubo lahar ay maaaring umabot sa Sto. Tomas- Marella at Bucao River systems at mga muddy streamflows at pagbaha sa mabababang komunidad ng San Marcelino, San Narciso, San Felipe at Botolan, Zambales.

Posibleng rumagasa rin ang muddy streamflows sa kahabaan ng O’Donnell at Pasig-Potrero River systems na maaaring bumaba sa mga komunidad sa mga probinsya ng Tarlac at Pampanga.

Samantala, sa bahagi ng Taal volcano partikular sa western Taal Caldera kung saan may mga natirang abo na maaaring malusaw dahil sa ulan at dumausdos sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas.

Maliban dito, may mga nakatambak ring mga volcanic debris mula pa noong 2020 eruption sa northeast at southwest sectors ng Taal Caldera na maaaring gumuho at umabot sa mga bayan ng Agoncillo, San Nicolas, Lemery at Taal  at mga syudad ng Talisay at Tanauan sa northeastern side.

Pinapayuhan ng DOST-Phivolcs ang lahat ng residente at local government units (LGUs) ng nasabing mga lugar na mahigpit na mag-monitor sa lagay ng bagyo.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s