PNPA mas palalakasin

Rep. Marcelino Libanan

NI NOEL ABUEL

Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong palakasin ang Philippine National Police Academy (PNPA) bilang self-governing public higher educational institution.

 Sa House Bill No. 3507 o ang PNPA Charter of 2022 na inihain ni House minority leader at 4Ps party list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan, nakasaad na layong ning magtayo ng paaralan na makapagpapalabas ng commissioned lieutenants para sa 202,000-strong police force ng bansa.

“In the years ahead, we are counting on the PNPA to produce the best and the brightest law enforcement officers imbued with exceptional leadership qualities and the highest standards of professional competence and personal integrity,” sabi ni Libanan.

Sa ilalim ng nasabing panukala ginagarantiyahan ang PNPA ng academic freedom, na naaayon sa 1987 Constitution na ang lahat ng higher learning institutions na magdedetermina sa kanilang sarili na magturo, kung sino ang maaaring magturo, kung ano ang maaaring ituro, kung papaano ito ituturo, at kung sino ang maaaring tanggapin sa pag-aaral.

Sa kasalukuyan, ang lahat ng PNPA graduates ay nagtapos ng Bachelor of Science in Public Safety degree, at nakomisyon bilang police lieutenants, o inspectors ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa ilalim ng panukala ni Libanan ang PNPA ay magiging autonomous kung makakapagbigay ng advanced instruction at specialized education sa public safety, social defense, internal security, human rights, at iba pang mahalaga sa pag-aaral.

Gayundin, ang pagkakaroon ng plano, polisiya, programa, curricula, at paraang ng pagtuturo at pagsasanay at pagbuo, mag-implementa ng sistema na faculty placement, promotion at development.

Nakasaad din sa panukala na ang PNPA ay pamumunuan ng 9 na bagong member board of trustees, na ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang uupong chairperson habang ang pinnuno ng Philippine National Police (PNP) ay uupong co-chairperson.

Uupo ring chairperson ang Commission on Higher Education (CHED), ang National Police Commission bilang vice chairperson, at ang  PNPA Alumni Association Inc. ay uupong board trustees.

Habang ang natitirang trustees ay bubuuin ng House committee on higher and technical education; Senate committee on higher, technical and vocational education; House committee on public order and safety; at ang Senate committee on public order and dangerous drugs bilang chairpersons.

Leave a comment