
NI MJ SULLIVAN
Nakakaranas ngayon ng malakas na pag-ulan ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Rizal, ang hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.
Sa inilabas na weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA), ganap na alas-5:00 ng hapon nang huling mamataan ang sentro ng Super Typhoon Karding na kumikilos pakanluran sa bilis na 20 km/h taglay ang lakas na hangin na 195 km/h at masungit na hangin na aabot sa 240 km/h.
Moderate hanggang heavy ang lakas ng ulan ang nararanasan sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Pangasinan, Cavite, Laguna, Batangas, ang gitnang bahagi ng Quezon, Occidental Mindoro at Camarines Norte.
Habang light to moderate at minsan ay malalakas na ulan ang mararanasan sa Oriental Mindoro, Marinduque, at ang nalalabing bahagi ng CALABARZON at Bicol Region.
Bukas ng umaga, hanggang hapon, makakaranas ng malakas na ulan ang Zambales, Bataan, Pampanga, at Bulacan samantalang moderate hanggang heavy ang madalas na mararanasan sa buong Metro Manila, Pangasinan, Cavite, Occidental Mindoro, at Central Luzon.
Light to moderate na may kasamang malalakas na pag-ulan sa Mountain Province, Ifugao, Benguet, Quirino, Nueva Vizcaya, Oriental Mindoro, at sa CALABARZON.
Dahil sa malalakas na pag-ulan ay inaasahan na ang pagbaha at landslides.
Inaasahang kikilos ang Super Typhoon Karding pa-kanluran sa loob ng 6 hanggang 12-oras, bago kikilos kanluran hilagang kanluran.
Ngayong gabi, inaasahang magla-landfall sa bisinidad ng hilagang bahagi ng Quezon ang bagyo kasama na ang Polillo Islands.
At bukas ng umaga, kikilos ang bagyong Karding sa Central Luzon bago magtuloy sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng Zambales o Pangasinan.
Nakataas pa rin sa Signal no 5 sa buong Luzon, kasama na ang Polillo Islands, hilagang bahagi ng Quezon, General Nakar, Infanta, Aurora (Dingalan), Nueva Ecija (General Tinio, City of Gapan, Peñaranda, San Isidro, Cabiao), Pampanga (Arayat, Candaba, Santa Ana, San Luis), Bulacan (San Rafael, Angat, Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel), at Rizal (Rodriguez), at Pampanga (Candaba, Arayat).
Signal no. 4 naman sa Calaguas Islands, bahagig ng Aurora (San Luis, Baler, Maria Aurora), ng Nueva Ecija (Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Licab, Zaragoza, San Antonio, San Leonardo, Jaen, Santa Rosa, Palayan City, Gabaldon, Laur, Cabanatuan City, Aliaga, Quezon, Santo Domingo, Talavera, Llanera, General Mamerto Natividad, Rizal, Bongabon, Talugtug, Science City of Muñoz), ang Metro Manila (Marikina, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, at Quezon City), Tarlac,at nalalabing bahagi ng Pampanga, ng Bulacan, Zambales, bahagi ng Bataan (Dinalupihan, Hermosa, Morong, Orani, Samal, Abucay), ng Pangasinan (Bautista, Alcala, Bayambang, Mangatarem, Urbiztondo, Aguilar, Bugallon, Infanta, Dasol, Burgos, Mabini, Labrador), at bahagi ng Laguna (Famy, Siniloan, Santa Maria, Pangil).
Signal no. 3 naman sa Aurora (Dipaculao), sa Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte), ng Nueva Ecija, ng Bataan, ng Pangasinan, ng Metro Manila, Rizal, bahagi ng Laguna (Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay, Magdalena, Santa Cruz, Pila, Liliw, Nagcarlan, Victoria, Rizal, City of San Pedro, City of Biñan, City of Santa Rosa, Cabuyao City, City of Calamba, Los Baños, Bay, Calauan), bahagi ng Cavite (Tanza, Rosario, Noveleta, Kawit, Imus City, Bacoor City, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, Silang, Amadeo, City of General Trias, Trece Martires City, Naic, Indang), nalalabing bahagi ng Quezon (Infanta, Real, General Nakar, Mauban), at bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga).
