9 na lansangan sa Luzon sarado

NI NERIO AGUAS

Aabot sa siyam na national road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 3 at Region 4-A ang pansamantalang sarado sa daloy ng trapiko dahil sa epekto ng Super Typhoon ‘Karding’.

 Sa pinakahuling ulat na ipinadala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Bureau of Maintenance kay Sec. Manuel Bonoan, isang lansangan ang sarado sa  Cordillera Administrative Region; isa sa Region 1, dalawa sa Region 2, apat sa Region 3 at isa sa Region 4-A dahil sa naitalang landslides, pagbaha, at pagbagsak ng electrical post dahi sa bagyong Karding.

Kabilang sa mga sarado pa rin sa daloy ng trapiko ang Kennon Road sa Benguet; Manila North Road K0578+800 section sa Sitio Banquero, Brgy. Pancian, Pagudpud; ang Bambang-Kasibu-Solano Road, K0266+900 Antutot Section sa Nueva Viscaya; NRJ-Villa Sur San Pedro-Cabuaan-Ysmael-Disimungal Road, San Pedro Overflow Bridge, K0367+786 sa San Pedro, Madella, Quirino; ang Nueva Ecija-Aurora Road, K0174+300 section sa probinsya ng Aurora; Daang Maharlika Road K0094+800, Bgy. Castellano, San Leonardo, Nueva Ecija; ang Tarlac-Sta. Rosa Road, K0115+000, Bgy. Malabon, Kaingin, Jaen, Nueva Ecija; ang Concepcion-Lapaz K0131+300; at ang Ternate-Nasugbu Road, K0068+(-1000) K0074+622 sa Cavite.

Na-monitor din ng DPWH ang tatlong lansangan, ang Apalit-Macabebe-Masantol Road, K0062+200-K0062+400, Calsada Bayu, Sta. Rita, Macabebe, Pampanga dahil sa pagbaha; ang Olangapo-Bugallon Road, ang bahagi ng Sindol, San Felipe at San Rafael, Cabanang, Zambales dahil din sa pagbaha; at ang Rizal Bdry/-Famy-Quezon Bdry. Road, K0076+150 hanggang Koo76+550 sa Laguna dahil din sa pagbaha.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng paglilinis ang DPWH Quick Response Teams sa mga nasabing lugar upang agad na maibalik ang normal na pamumuhay ng mga residente at motoristang dumadaan sa nasabing mga kalsada.

Leave a comment