
NI NERIO AGUAS
Magandang balita para mga naghahanap ng trabaho sa gobyerno.
Ito ay matapos na buksan ng Bureau of Immigration (BI) pintuan nito para sa 150 bakanteng posisyon para dagdag na puwersa at ipapakalat sa mga pangunahing tanggapan nito sa buong bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman G. Tansingco, 147 immigration officers at 28 administrative aides ang kinakailngan ngayon ng ahensya bilang dagdag na puwersa sa pagbabantay sa major ports at iba pang opisina ng BI sa buong bansa.
“The manpower augmentation is part of the agency’s move to ensure improvement of our services to the travelling public, especially now that the country is on its way to recovery,” sabi ni Tansingco.
Sinabi pa nito na nangangailangan ang BI ng mga ‘new breed of officers’ na may taglay na passion and patriotism sa serbisyo-publiko.
“This is how we evolve with the times changing. We need to keep our frontlines fervent so as to guarantee efficiency in our ports,” ayon pa kay Tansingco.
Ang mga aplikante ay sasailalim sa mga pagsusulit at interviews bago pormal na makuha at maging bahagi ng BI.
“It’s a rigorous selection process, but this is how we make sure that we get the best officers to man our borders,” pagtitiyak pa ni Tansingco.
Sinumang interesado ay hinihiling na isumite ang kanilang aplikasyon sa BI’s career portal at careers.immigration.gov.ph ng hanggang Setyembre 30, 2022.