Quezon binagyo na, nilindol pa!

Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

NI MJ SULLIVAN

Sa kabila ng nararanang malakas na pag-ulan dulot ng Super Typhoon Karding ay hindi pa rin nakaligtas sa iba pang kalamidad ang lalawigan ng Quezon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ganap na ala-1:15 kanilang madaling-araw, habang nasa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, ay isang magnitude 3.6 na lindol ang naitala.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 006 km silangang kanluran ng Buenavista, Quezon at may lalim na 009 km at tectonic ang origin.

Posibleng hindi naramdaman ang lindol dahil kasabay nito ang pananalasa ng bagyo.

Naitala sa instrumental intensities ang intensity 2 sa mga bayan ng Gumaca at Mulanay sa nasabing lalawigan.

Wala namang inaasahang aftershocks sa mga susunod na mga araw.

Samantala, noong Setyembre 25, ganap na alas-7:16 ng gabi nang maitala ang magnitude 5.1 na lindol sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 122 km timog silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental at may lalim na 146 km at tectonic din ang origin.

Naitala ang intensity III  sa Glan at Maitum, Sarangani at intensity II sa General Santos City; Kiamba, Sarangani.

At sa Instrumental Intensities ay naitala ang intensity II sa Davao City, Davao Del Sur; Kiamba at Malungon, Sarangani; Intensity I sa Maasim at Alabel, Sarangani; General Santos City; T’Boli at Koronadal City, South Cotabato.

Leave a comment