53 pamilya ng Caloocan City binigyan ng bahay lupa

NI JOY MADELEINE

Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pamamahagi ng lupa para sa sa 32 pamilya at pagkakaoob ng deed of sale sa 21 pamilya sa ilalim ng Camarin 1 at 2 Project ng Housing and Resettlement Office (HARO) at ng National Housing Authority (NHA).

Ayon sa HARO, ang mga benepiyaryo ay matagal nang naninirahan sa Barangays 174, 175, 176 at 177.

Nagpasalamat naman si Malapitan sa NHA at sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP)-National Capital Region sa tulong ng mga ito sa lokal na pamahalaan sa proyektong pamamahagi ng socialized housing and lots sa mga kuwalipikadong residente ng lungsod.

 “Sa lahat po ng ahensyang katuwang natin sa  programang ito upang maisakatuparan ang pangarap ng ating mga kababayan, sa HARO, sa NHA at sa PCUP, maraming salamat po,” ayon sa alkalde.

Sinabi ni HARO officer-in-charge Engr. Noemi Obina na ang mga benepisyaryo ay magbabayad ng mababang halaga sa loob  na babayaran sa loob ng 25-taon sa city government.

“Mababa lang po ang hulog, depende sa laki ng lote at pwede itong bayaran sa loob ng 25 years para hindi mabigat. Nais nating mapanatag ang ating mga kababayan na sa kanila na maipangalan ang kanilang loteng tinitirhan,” sabi ni Obina.

Kasama rin sa dumala sa pamamahagi ng lupa si PCUP-NCR Commissioner-in-charge Reynaldo Galupo na nagpahayag ng pasasalamat sa Caloocan City government sa pagtulong sa mga nasasakupan nito na magkaroon ng maayos na tirahan.

“Ramdam natin na mas pinapalawig ng Caloocan ang mga programa ukol sa murang pabahay at lupa. Kami sa pamahalaang nasyonal ay patuloy na makikipag-ugnayan para makatulong pa sa mas marami nating mga kababayang Pilipino na magkaroon ng sariling tirahan,” ayon sa komisyuner.

Leave a comment