Record accomplishment ng Kamara ipinagmalaki ni Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Ipinagmamalaki ni House Speaker Martin G. Romualdez ang mga nagawa ng Kamara sa unang 23 session days ng 19th Congress, na nag-convene noong Hulyo 25.

Sinabi ni Romualdez sa kanyang mga kasamahan na mula nang magsimula ang kanilang sesyon, ay nagsikap at nagtulungan ang mga mambabatas upang matiyak ang sama-samang at tumutugon na aksyon sa lahat ng nakabinbing panukalang batas at resolusyon, kabilang ang mga priority bills sa legislative agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Our mission from Day One is clear: Help resuscitate the pandemic-battered economy and make economic transformation the main
engine to uplift the lives of the Filipino people,” sabi ni Romualdez bago ang nag-adjourned ang Kamara sa unang bakasyon ng mga kongresista.

Bago mag-adjourn, inaprubahan ng Kamara sa ikalawa at ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P5.268-trilyong “Agenda for Prosperity” 2023 national budget, ang pinakamahalagang panukalang batas sa Kongreso kada taon.

“With deep sense of urgency, combined with the detailed scrutiny from our colleagues in the minority, and the tireless and unceasing
cooperation of our fellow civil servants from various agencies in the Executive Department, we were also able to hammer out in no time the best possible version for the approval on third reading of HB 4488, or the proposed spending plan for 2023,” sabi pa ng House Speaker.

Aniya, sa loob lamang ng 7-araw ay natapos ng Kamara ang plenary budget deliberations.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Romualdez sa mga senador na kikilos para maipasa ang pinakamahalagang piraso ng batas upang ang dalawang kapulungan ay mapagtibay ang panukalang budget bill sa oras na pirmahan ng Pangulo bago matapos ang fiscal year.

Sa araw ng huling sesyon nito, niratipikahan din ng Kamara ang dalawang bicameral conference committee (bicam) – ang panukalang Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act at ang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre 2022 – na malapit nang ipadala sa Malacañang para pirmahan ni Pangulong Marcos.

Maliban sa budget bill at sa dalawang ulat ng bicam, ipinakita ng comparative data mula sa House committee on rules na ang House of House of Representatives ay nakapagpasa sa ikatlong pagbasa ng 37 pambansang panukalang batas, isang 106-porsiyento na pagtaas sa 18 panukalang inaprubahan sa huling pagbasa ng18th Congress at 517 percent na mas mataas kumpara sa anim na panukalang inaprubahan sa ikatlong pagbasa noong 17th Congress sa parehong
panahon.

Leave a comment