
Ni NOEL ABUEL
Pinahihintulutan ng liderato ng Kamara na magpatuloy sa pagsasagawa ng special committees kahit panahon ng bakasyon ang Kongreso.
Ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez mahalaga na matapos ang isinasagawang pagdinig at pagtalakay sa mahahalagang panukalang batas partikular na ang may kinalaman sa pagbangon ng ekonomiya.
Sa kanyang pormal na mosyon sa plenaryo, kumilos si House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na payagan ang lahat ng panel na magpatuloy sa kanilang mandato sa paggawa ng mahahalagang batas sa unang recess ng 19th Congress.
“I move that we authorize all committees to conduct meetings and/or public hearings, if deemed necessary, during the House recess from September 29, 2022 to November 6, 2022,” sabi ni Garin.
“Is there any objection? The chair hears none, motion is approved,” dagdag pa ni House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales sa mosyon na inihain ni Garin.
Sa isang panayam, sinabi ni Garin na inatasan ni Romualdez at House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang mga pinuno ng Kamara na magsagawa ng mga pagpupulong ng komite sa panahon ng break para matiyak ang mabilis na pagpasa ng mga kapansin-pansin at makabuluhang hakbang sa lehislatura, partikular ang mga naglalayong buhayin ang ekonomiya.
“The continuous hearings and deliberations of various measures even when Congress is on recess will help accelerate the passage of
priority legislations,” sabi nito.
Tiniyak ni Garin na patuloy na magsisikap ang pamunuan ng Kamara at tutukan ang mga prayoridad na batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang tugunan at mapagsilbihan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
“The Speaker wants to ensure a very productive House of Representatives during our break to address the country’s pressing concerns. This will help us craft and put into fruition the approval of priority bills of President Marcos to help us defeat various
problems, including COVID-19,” ani Garin.
Una nang ipinagmamalaki ni Romualdez noong Miyerkules ng gabi ang mga nagawa ng Kamara sa unang 23vsession days ng 19th Congress.
“Our mission from Day One is clear: Help resuscitate the pandemic-battered economy and make economic transformation the main engine to uplift the lives of the Filipino people,” sabi ni Romualdez bago ang nag-adjourned ang Kamara.
Ilan sa naaprubahang panukalang batas bago ang pagbabakasyon ng mga kongresista ay pagpasa sa P5.268-trillion “Agenda for Prosperity” 2023 national budget.
Niratipikahan din ng Kamara ang dalawang bicameral conference committee (bicam) reports na Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act at ang pagpapaliban ng Bgy. at SK election sa huling Lunes ng Oktubre 2023.