
Nagpahayag ng suporta si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kay Vice President Sara Duterte sa isinagawang committee deliberation ng budget ng Office of the Vice President (OVP) ngayong araw.
Pinuri rin ni Revilla ang pagsisikap ng OVP para mapalapit sa mga tao sa pamamagitan ng paglalagay ng satellite offices sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan sa kasalukuyan ay mayroon nang mga OVP offices sa Dagupan, Cebu, Surigao, Zamboanga, Bacolod, Tacloban at Davao.
“Ang liderato ni VP Sara at haba ng karanasan nito bilang local chief executive sa Davao City ay patunay na magiging maayos niyang matutugunan ang mga kailangang polisiya at programa na makatutulong para maiangat ang buhay ng mga Pilipino,” ani Revilla.
