Diskriminasyon sa kultura ng Muslim inalmahan  

Rep. Ziaur Rahman Alonto Adiong

NI NOEL ABUEL

Inalmahan ng isang kongresista ang diskriminasyon sa mga Muslim sa ginanap na pet fashion show sa isang mall sa Quezon City kung saan ginamit ang Kaaba bilang dekorasyon sa isang alagang aso.

 Giit ni Lanao del Sur Rep. Ziaur-Rahman “Zia” Alonto Adiong malaking pagkakamali na ginamit na dekorasyon ang Kaaba, na itinuturing na banal ng mga Muslim bilang tahahan ni Allah at nasa gitna ng Masjid al-Haram sa Mecca at sacred site sa mga Muslims sa buong mundo.

“Napakalaking pagkakamali na gamitin ang Kaaba bilang props at gawin itong kulungan ng aso, lalo pa na ang event ay wala namang kinalaman sa Islam at pamumuhay naming mga Muslim. This shows not only a lack of understanding when it comes to our faith that guides our lives, but a complete disregard for our community as Muslims. Sa mga ganitong mistulang maliliit lamang na bagay nagsisimula ang mga malalaking problema na nagiging ugat ng diskriminasyon at karahasan laban sa aming mga Muslim – laban sa aming mga komunidad, sa aming mga kaibigan at pamilya,” paliwanag ni Adiong.

Nanawagan ito sa mga opisyal ng nasabing mall na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing pangyayari upang hindi na ito maulit pa.

“We call on the administration of the said mall to conduct an investigation regarding this glaring lapse in cultural sensitivity and the negligence that allowed this act of ignorance to happen. We demand for accountability measures, including a clear and definite commitment to ensure that this will never happen again,” aniya.

“Violence is not just the wielding of physical force that leaves scars on another’s skin; violence also involves acts that reduce a person and their beliefs into mere spectacle and refusing to make room for understanding and inclusion that is necessary for a just society that upholds the rights of all. We also call on the National Commission on Muslim Filipinos to take action in response to this unfortunate incident, and to coordinate with mall administration to make sure this never happens again,” dagdag pa nito.

“Hindi ito ang unang pagkakataon na binastos at ipinagsawalang bahala ang aming paniniwala at pamumuhay bilang mga Muslim. Sana ay magtulong-tulong tayo para hindi na ito maulit pa sa ating mga komunidad, at maging daan ito para mas lumalim ang ating pag-unawa at respeto sa ating kapwa,” ayon pa dito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s