Bagong hanging bridge natapos na ng DPWH sa Carranglan, Nueva Ecija

Ni NERIO AGUAS

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hanging bridge project na mapapakinabangan ng mga residente ng Barangay Minuli, Carranglan, Nueva Ecija.

            Ayon kay DPWH Sec. Manuel M. Bonoan, ang 86-meter hanging bridge sa bahagi ng Talavera River ay pakikinabangan din ng mga residente ng Sitio Santolan at sa Malidi at Sentro.

Nabatid na matagal nang nagtitiis ang mga residente ng nasabing lugar na tumawid sa naturang ilog gamit ang makeshift wooden platforms kung saan sa tuwing umuulan ay at malakas ang agos ng tubig ay nahihirapan ang mga ito at nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga tumatawid.

At dahil sa nasabing bagong hanging bridge, ang mga lokals at mga magsasaka ay maaari nang makatawid ng ligtas mula sa bahay ng mga ito hanggang sa pupuntahang lugar.

Ayon kay Bonoan, malaking bagay rin ang nasabing hanging bridge sa nakatakdang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga estudyante ng Minuli Elementary School na 700 metro ang layo mula sa hanging bridge.

Ang nasabing proyekto ay isinagawa ng DPWH Nueva Ecija First District Engineering Office (DEO) na may pondong P4.9 milyon mula sa General Appropriations Act (GAA) of 2022.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s