DOTr kinalampag ni Sen. Revilla

NI NOEL ABUEL

Kinalampag ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime “Jimmy” Bautista sa patuloy na kapalpakan ng operasyon ng Metro Railway Transit (MRT) 3 na ang libu-libong commuters ang labis na naaapektuhan partikular tuwing rush hours.

Ang pahayag ni Revilla ay kasunod ng lumabas na social media na mahabang pila ng mga  commuters sa Ortigas Station noong araw ng gabi ng Martes na nagkaroon ng tulakan at siksikan ang mga pasahero para makasakay sa MRT dahil sa muling pagtirik ng isang bagon na tumagal ng humigit-kumulang sa isang oras.

 “Lubos akong nababagabag at nag-aalala, sa nakikita nating kaawa-awang kalagayan ng ating mga kababayang naghahabol ng makauwi sa kanilang mga tahanan. Mga magulang na pagod galing sa trabaho, mga anak na nagmamadaling makauwi galing sa eskwela. Nakakagalit isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutugunan ng Kagawaran ng Transportasyon ang problema sa MRT, lalong lalo na ngayon na patuloy na tumataas ang hawahan ng COVID-19 sa ating bansa. Nakakaalarma dahil posibleng maging super spreader ito,” sabi ni Revilla.

Sinabi ni Revilla na ang napakahabang pila ay humantong sa sigawan, tulakan at grabeng siksikan na maaaring maging super spreader ng COVID-19 lalo pa at nararamdaman sa Metro Manila ang pagtaas ng kaso.

“Hindi naman masama na masiraan, ang hindi maganda ay ‘yung madalas, ibig sabihin may problema sa maintenance at ang nagdurusa dito ay ang kaawa-awa nating mga kababayan na pagod na maghapon at nagmamadaling makauwi ng bahay tapos maaabala na at posible pang mahawa sa COVID-19,” saad ni Revilla.

Idinagdag pa ng senador na ilang buwan na umanong maayos ang operasyon ng LRT 1 at LRT 2 na maging ang mga escalator at elevator ay gumaganang lahat na malaking tulong sa mga commuters partikular sa mga senior citizen at people with disability.

“Kaya tinatawagan natin itong DOTr na ayusin naman nila ang serbisyo nila dahil ang MRT 3 ang pinakabago kumpara sa LRT 1 at 2 tapos sila pa itong palaging may problema, sana lang maayos na nila ito,” pahayag pa ni Revilla.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s