MARINA pinagpapaliwanag ng kongresista

Rep. Sandro Gonzalez

NI NOEL ABUEL

Pinagpapaliwanag ng isang kongresista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Maritime Industry Authority (MARINA) kaugnay ng pagbabalik ng Management and Operation Level Courses.

Ayon kay MARINO Rep. Sandro Gonzalez, nababahala ito sa kalagayan ng mga Filipino seafarers hinggil sa magiging epekto ng pagbabalik ng Management and Operation Level Courses, kasabay ng pag-usisa kung ano ang plano nito sa pagpapatupad.

Ipinahayag pa ni Gonzalez ang malakas na pagtutol ng mga seafarers ay dahil sa karagdagang gastusin, oras ng pangangailangan at pang-aabuso ng mga ahensya ng pagsasanay na nararanasan ng mga marino at mandatory pa ang MLC at OLC at humingi ng paglilinaw sa MARINA hinggil sa naging batayan nito para sa pagbabalik nito.

“The primary concern of MARINO in this shift is the burden that seafarers will face especially now that we are only just fully recovering from the aftermath of the pandemic and availability of job opportunities is still meager,” sabi ng kongresista.

Ayon sa ahensya, lumabas sa isinagawang individual audit na isinagawa ng International Maritime Organization (IMO) na kulang ang Pilipinas sa pagtupad sa ilang requirement sa ilalim ng International Convention on Standards of Training, Certification, and Watchkeeping  (STCW) para sa mga seafarers na maaaring magresulta sa  pagtanggal sa Pilipinas mula sa whitelisted countries na pinapayagan na mag-supply ng mga seafarers sa buong mundo kung ang pag-aatas sa MLC at OLC ay hindi gagawing bilang corrective measure.

Aniya, magreresulta ito sa pagkakaantala sa trabaho ng mga Filipino mariners sa ibang bansa.

“As a signatory of the STCW Convention, it is  the obligation of the Philippine government, through MARINA, to satisfy mandates particularly in terms of knowledge, training, and skills of seafarers. However, in practice, seafarers also struggle due to the unaddressed problems in taking these courses which hamper their employment. The challenge now is to strike a balance between our compliance and the welfare of our seamen,” sabi nito.

Ang Pilipinas ang isa sa mga pangunahing producers ng mga  highly skilled seafarers at mas pinagkakatiwalaan ng ibang bansa ang mga Pinoy seafarers.

Sinabi pa ni Gonzalez na malaki ang iniaambag ng mga Filipino seafarers sa ekonomiya ng bansa sa annual dollar-remittances ng mga ito lalo na ngayong panahon na naghihirap ang ibang local industries dahil sa pandemya.

“Since it is crucial for the Philippines to satisfy the IMO audit findings and remain compliant to the Convention, the Marino party list now urges MARINA to revisit our standards of training and ensure that we are truly clear-cut in enhancing seafarers’ skills minus the redundant subjects and exercises,” ani  Gonzalez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s