
NI NOEL ABUEL
Sinaluduhan ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang lahat ng Filipino teachers sa buong bansa kasabay ng pagdiriwang ng Teachers’ Day ngayong araw Oktubre 5.
Sa kanyang mensahe, nanawagan ang dating Pangulo sa mga Filipino na parangalan ang mga guro dahil sa malaking ginagampanan ng mga ito sa paghubog sa kagalingan ng mga kabataan.
Aniya, tanging maibibigay na regalo nito sa mga guro ang inihain nitong House Bill 487 na nalalayong ang mga Filipino students ay makilala sa science, technology at mathematics at makumbinse ang mga science at mathematics teachers na mas pahusayin pa ang competencies ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na insentibo.
“Developing Globally Competitive Science and Mathematics Teachers Act of 2022”, seeks to design and advance a rewarding professional career for qualified science and mathematics teachers in the country. It seeks to advance the specialization of science and math teachers, sustain their interest and encourage them to stay in the profession. The bill likewise aims to encourage students to pursue a career in teaching mathematics and science,” ayon sa panukala.
Kabilang sa mahalagang nilalamang probisyon ng HB 487 ang pagbibigay ng scholarships at specialized trainings sa mga guro na kasalukuyang nagtuturo ng science at math gayundin ang pagbibigay ng mas mataas na paunang suweldo sa mga math at science teachers.
Dagdag pa ni Arroyo, kasama rin sa probisyon ang pagpayag sa mga bagong nagsipagtapos sa pag-aaral sa science at math na makapagturo bagama’t hindi pa nakakapasa sa licensure examination for teacher.(LET).
“In effect, this bill will ensure that teaching in the fields of science and mathematics will be as competitive as those of other professions, and thus increase the number of competent teachers who will prepare Filipinos for global excellence,” ayon pa senior deputy speaker.
