Hindi patas na singil sa kuryente sa power transmission cost matatapos na — solon

Rep. Dan Fernandez

NI NOEL ABUEL

Umaasa ang isang kongresista na malapit nang matapos ang hindi patas at maling pagkuwenta sa power transmission cost na nagpalaki sa presyo ng kuryente sa bansa.

Ayon kay Sta. Rosa. City Rep. Dan Fernandez, ito ay matapos tiyakin ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sisimulan na nito ang “the process of resetting” ng transmission wheeling rates na isasama sa pag-compute sa Weighted Average Cost of Capital at ang ebalwasyon ng Regulatory Asset Base (RAB).

“We are happy that finally after seven years, justice will be served  the aggrieved consumers.   Through our persistent calls for the adoption of the lawful computation of the transmission rate, ERC pledged to start the process of re-computation, which should be based on 6.84% and not the current 15.04% WACC,” sabi ni Fernandez.

Sa nakalipas na pagdinig ng Kamara, sinabi ni ERC Chairperson at CEO Monalisa C. Dimalanta sa mga mambabatas na ipapatupad na nito ang Amended Rules for the Setting Transmission Wheeling Rates (RTWR).

Sinabi pa aniya ng ERC chief na ang huling pag-reset ay natapos para sa  fourth regulatory period na sumasakop sa 2010-2015.

“For seven years we were made to suffer from wrong transmission rate that is reflected on our electricity monthly bills,” sabi ni Fernandez.

Binigyan-diin pa ng mambabatas sa ERC na lumalabag ito sa grave injustice sa mga Filipino consumers sa pagbibigay ng mataas na WACC ng 15.04% sa kanilang komputasyon sa halaga ng kuryente sa halip na mahigit na anim hanggang siyam na porsiyento.

Sa nasabing pagdinig, pinaalalahana ni  Fernandez si Dimalanta na ang 6.84% WACC para sa transmission rate na dapat sana ay pinagtibay ng ERC ay ang makikita sa ulat ng Transco noong Hulyo 23, 2018 na isinumite ng dating pangulo nitong si Melvin Matibag.

Sinabi nito na ang rate na ito ay hindi kailanman pinagtibay ng ERC at kung tinanggap ang mga consumers ay kailangang ibalik ng hindi bababa sa P60 bilyon. 

Binanggit pa ni Fernandez na ang WACC para sa mga for distribution companies tulad ng Meralco ay dapat ding magpatupad ng re-compute sa lalong madaling panahon.

 “For seven years, Meralco and similar power distributors were allowed to collect distribution cost from consumers based on a high and unconscionable WACC of 14.97 %.  Former ERC consultant Romulo Neri was commissioned to compute it and he came up with a lower regulatory WACC of just 8.5 percent, or a disparity of over six percent,” pahayag pa ni Fernandez.

Aniya, kung gagawin ng ERC ang Neri computation para sa Fourth Regulatory Period ng 2016-2022, ito ay magti-trigger ng refund na hindi bababa sa P105 bilyon sa mga consumers at hindi magpapababa ng distribution rate simula 2023 para sa Meralco lamang. 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s