Panukalang batas inihain sa Kamara vs oil price hike

Rep. Leody “Odie” Tarriela

NI NOEL ABUEL

Inihain sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong sugpuin ang epekto ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa pamamagitan ng pagtatapos ng excise tax dito sa gitna ng pagtataya na ang presyo ng diesel ay tataas na P5.90 hanggang P6.00 at gasolina na P1.10 hanggang P1.30 kada litro.

 Sa House Bill No. 3628 na inihain ni Occidental Mindoro Rep. Leody “Odie” Tarriela, sinabi nitong unti-unting  bababa ang excise tax habang tumataas ang presyo ng gasolina na kada litro ay ₱50, ang  excise tax ay magiging ₱10.

“It shall gradually decrease by ₱1 for every ₱5 increase in per liter prices, until it reaches only ₱ 4 excise tax when the price per liter is ₱75 or higher. For diesel, the excise tax is  pegged ₱6 if the price per liter is ₱50 or less. The tax also decreases by 50 centavos increment, until it is only at ₱3, if the price per liter of diesel increases to ₱75 or higher,” sabi ng mambabatas.

Paliwanag ni Tarriela, mula 1997, nang ang Tax Reform Act o RA 8424 ay naging batas at hanggang 2017 ay walang excise tax na ipinapataw sa diesel, habang ang presyo ng gasoline ay ₱4.35 kada litro.

At matapos maipasa ang RA 10963 o ang TRAIN Law, ang excise tax ay ipinataw sa diesel sa ₱2.50 kada litro noong 2018, ₱4.50 noong 2019, at ₱6 kada litro simula 2020.

Sa kabilang banda, sa gasolina, ang fuel excise ay nadagdagan ng ₱7 noong 2018, ₱9 noong 2019 at ₱10 mula 2020 hanggang ngayon.

“Kung ang HB 3628 ay maisasabatas, ang nakaakmang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay maiibsan ng kaunti. Magiging mas mababa ng ₱6 ang gasoline at ₱3 naman sa bawat litro ng diesel,” sabi ni  Tarriela, na miyembro ng House Committee on Energy.

Leave a comment