Nasunugang pamilya sa Sampaloc hinatiran ng tulong

Makikita sa mga nakuhang larawan at video na game na game na namigay ng mga relief goods si Rep. Antonio Albano at Miss Universe-Spain Faubel.

Ni NOEL ABUEL

Namahagi ng ayuda o relief goods si Tutok to Win party list Rep. Sam “SV” Verzosa sa mga residente ng Barangay 439 Zone 44, Sampaloc, Lungsod ng Maynila na nasunugan kamakailan.

“Sinikap namin na makapagbigay ng mga relief packs na may lamang mga espesyal na pagkain at goodies kasi malapit ito sa puso ko. Ito ‘yung nagbibigay sakin ng saya nu’ng bata pa ako pag may nagbibigay ng ganito. Gusto kong ma-feel din nila ‘yung saya na ‘yun, at matikman din ng mga kababayan nating nasunugan ‘yung mga masasarap na pagkain at hindi lang ‘yung nakasanayan nila,” sabi ng mambabatas.

Ang laman ng bags na relief packs ay bigas, gourmet tuyo, champorado, spam Delimondo corned beef, Korean noodles, Toblerone chocolates, Frontrow soap, Frontrow supplements, at marami pang iba.

Naganap ang nasabing relief good distribution kahapon Lunes, ika-10 ng Oktubre 2022.

Una nang napabalitang naganap ang sunog noong alas-11:15 ng gabi noong ika-11 ng Setyembre 2022, sa mga kalye ng Honradez at Verdad sa Barangay 439, Zone 44, Sampaloc, Lungsod ng Maynila.

Tinatayang aaabot sa 35 pamilya o 98 na tao ang mga nasunugan at umabot naman sa 20 kabahayan ang lubos na tinupok ng apoy sa Barangay 439, Sampaloc, Manila.

Dumating din sa nasabing relief goods distribution event si Isabela Rep. Antonio “Tonypet” T. Albano, at ang Miss Universe Spain 2022 na si Ms. Alicia Faubel.

“Dati na namin itong ginagawa. Sa Frontrow Cares kahit before pa mag-pandemic. Ngunit grateful ako na ngayong tayo ay nasa pwesto ay lalo tayong nabigyan ng pagkakataon na maging boses ng mga naghihirap at naghihikahos nating mga kapwa Pilipino. Nabigyan din ako ng pagkakataon na palawakin pa lalo ang mga maaabot natin sa pagtulong sa pamamagitan ng kahit sa ganitong maliit na paraan lang. Kaya sana ay makapaghatid kami ng kahit konting saya sa mga kababayan natin na nasunugan, at sa lahat ng iba pang lugar na pupuntahan namin,” dagdag pa ni Verzosa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s