Rep. Abante sa POGOs: Salot, hindi sulit

Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr

Ni NOEL ABUEL

“Salot, hindi sulit.”

Ito ay pagsasalarawan ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr. sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kasunod na  paghayag ng Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na ang bansa ay na-blacklist ng People’s Republic of China, na nagbabwal sa mga mamamayan nito na bumisita sa Pilipinas dahil sa pagkakaroon ng POGOs sa bansa.

Sinabi ni Abante na ang pinakabagong pag-unlad na ito ay higit na nagpapatibay sa kaso para sa tuluyang pagbabawal sa mga POGOs sa bansa.

“Hindi na nga tayo nakikinabang d’yan sa POGO, apektado pa turismo natin dahil sa negosyong ito,” sabi ni Abante, na isa sa nagsusulong na ipagbawal na ang  POGOs sa bansa. 

Sinabi pa ng mambabatas na bago ang pandemic, ang bansa ay minarkahan ng isang rekord-mataas na bilang ng mga dayuhang turista, at isang malaking porsyento nito ay mula sa China, kung kaya’t ang balita na ito ay maaaring magkaroon ng malaking negatibong epekto sa pagsisikap ng bansa sa pag-promote ng turismo.

Sa datos ng Department of Tourism na noong 2019, nasa 8.26 milyong foreign tourists ang bumisita sa bansa kung saan sa 1.74 milyon o 21.1 porsiyento ay mula sa China.

“Over the course of a decade, the number of foreign tourists that have visited the country has steadily increased. The COVID-19 pandemic stalled the upward trajectory of Philippine tourism, and this blacklisting move by the Chinese government could compromise our ability to regain our momentum,” babala pa ni Abante.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s