DSWD nangangailangan ng social workers

NI NOEL ABUEL

Malaki ang problema ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kakulangan ng social workers at guidance counsellors dahil sa mababang sahod.

Sa pagdinig ng Senate Finance Committee, inusisa ni Senador Pia Cayetano si DSWD Sec. Erwin Tulfo kung batid nito na may kakulangan ang ahensya ng mga social workers sa kasalukuyan na nangangailangan ng agarang solusyon.

Ayon kay Tulfo, sa kasalukuyan ay mayroon ang DSWD na 29,694 personnel/social workers at sa kasalukuyan ay naghahanap pa rin ang ahensya ng dagdag na tauhan.

Aniya, sa 693 pantilla social workers na kinakaiilangan, nasa 638 pa lang ang napupunan at kulang pa ng 55 kung saan sinabi ni Tulfo na dahil sa mababang sahod ay walang kumakagat sa posisyon.

“May opening kami pero hindi kinakagat dahil sa mababa ang offer na sahod. Halimbawa na lamang ‘yung dalawang nag-apply na nang tinanong ang sahod umatras at sinabi na mas mataas ng P10K ang sahod sa pribadong kumpanya,” sabi ni Tulfo.   

Payo ni Cayetano, upang mapunan ang kakulangan ng social worker ng DSWD ay makipag-ugnayan ito sa Commission on Higher Education (CHED) para maglabas ng kursong Bachelor Science on Social Work.

Hindi naman ipinagtaka ni Cayetano ang kakulangan ng social workers dahil sa maliban sa mababang pasahod dito ay in-demand sa ibang bansa ang mga Filipino social worker.

Samantala, sinabi naman ni Senador Imee Marcos, base sa Civil Service Commission (CSC), ang DSWD ay mayroon lamang na 84.08% plantilla position habang karamihan ay casual, contractual, at job order.                

Sabi ni Tulfo, 3,355 ang bilang ng regular position at ang iba pa ay JO, contractual, at casual na nagtatrabaho bilang mga surveyor at enumerators sa National Housing targeting office.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s