Pagsasaayos sa 2 bypass road projects sa Capiz minamadali na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa dalawang bypass roads sa bayan ng Pontevedra at syudad ng Roxas para makatulong sa dumaraming sasakyan na dumadaan sa Western Visayas Region.

Ang Pontevedra bypass road project sa Capiz ay nagkakahalaga ng P145 milyon ay may lawak na 2.3 kilometro at daraanan ang Barangays Ilaya at Malagit.

Inilabas ang P90 milyon noong 2020 at 2021 para sa konstruksyon ng 1.755-kilometer road section habang ang P50 milyon ay noong 2022 para sa nalalabing 554-meter concrete road na halos kalahati nang kumpleto

 “When finished, Pontevedra Bypass Road will provide a faster and more reliable transportation system for motorists arriving from the municipality of President Roxas to the municipality of Panay and vice versa without passing through the municipal proper,” paliwanag ni DPWH Region 6 Director Nerie D. Bueno.

Sa kabilang banda, ang P150.5 milyon na inilaan sa  2-lane Roxas City Bypass Road ay multi-year project na siniulan noong 2020 at noong 2021 ay sinimulan nang isemento at in aasahang makukumpleto bago matapos ang taon.

Ang 1.7 kilometro bypass road ay magiging alternate route para sa mga motorista at mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa San Roque Street sa Roxas City at magbibigay ng direct access sa Roxas City Airport na hindi na kinakakilangan pang dumaan sa city proper.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s