
Ni NOEL ABUEL
Nanindigan si Senador Christopher “Bong” Go, sa suporta para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at binanggit na ito ay naging epektibo sa pagtugon sa lokal na insurhensiya at pagpapanumbalik ng kapayapaan sa mga lugar na puno ng kaguluhan sa bansa.
“I support to institutionalize the ELCAC. At kung gusto nila, ‘pag wala na ‘yung insurgency, i-abolish na rin po nila, i-abolish na rin po ang ELCAC, okay naman po… ‘pag tapos na po ‘yung insurgency,” sabi ni Go sa isang panayam matapos dumalo sa Mandatory Continuing Legal Education para sa mga abogado ng Public Attorneys’ Office sa Pasay City.
Ngunit sa ngayon, binigyan-diin ni Go ang pangangailangan ng pamahalaan na tulungan ang task force sa pagsasagawa ng mandato nitong hikayatin ang mga dating rebelde na muling makisama sa lipunan at tulungan ang gobyerno sa pagsisikap nitong makamit ang kapayapaan sa bansa.
“Pero sa ngayon kailangan po nating tulungan, i-incentivize na magbalik loob sa gobyerno, i-institutionalize po dapat natin ang ELCAC para maengganyo pa po ‘yung mga kababayan natin sa mga far-flung areas – ‘yung mga neglected areas na tumulong po sa ating gobyerno,” sabi ni Go.
Nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 ang Executive Order No. 70 na nag-institutionalize ng whole-of-nation approach para makamit ang inclusive at sustainable na kapayapaan.
Ang direktiba ay nag-utos din sa pagpapatibay ng isang National Peace Framework upang matiyak ang pagkakatugma at pagkakasabay ng paghahatid ng mga serbisyo sa mga lugar na apektado ng kontrahan at mahihina pati na rin ang itinatadhana para sa paglikha ng NTF-ELCAC.
Sa ilalim ng EO 70, ang isang whole-of-nation approach na diskarte ay pinagtibay upang tugunan ang mga ugat na sanhi ng mga insurhensiya, panloob na kaguluhan at tensyon, at iba pang mga armadong tunggalian at pagbabanta sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad at pagsasama-sama ng paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at mga pakete ng panlipunang pag-unlad ng gobyerno.
Kasama rin dito ang pagpapadali sa pagiging inklusibo ng lipunan, at pagtiyak ng aktibong partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan sa pagkamit ng agenda ng kapayapaan ng bansa.
“Remember, we have more than 40,000 barangays all over the country. Majority of those barangay are in the far-flung areas na hindi pa po naaabot (ng ibang ahensya),” noted Go.
The senator stressed that the presence of the government must be felt in these communities so that neglect and poverty will not result in insurgency.
“With ELCAC, nabibigyan ho sila ng insentibo, na naeengganyo sila na i-clear ‘yung kanilang barangay dahil magkakaroon sila ng mga proyekto doon na hindi man lang nila nakamit, hindi man lang sila nabigyan sa buong buhay nila,” paliwanag pa ng senador.
“Iyon po ‘yung minsan nasasamantalahan, doon po pumapasok itong left. So, ‘pag na-incentivize na po sila, maiengganyo sila na ma-develop ‘yung barangay nila, may mga bago silang kalye at iba pang proyekto,” dagdag nito.