
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental at Batangas kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-2:25 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 122 km timog silangan ng Sarangani Island ng nasabing bayan at may lalim na 001 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang epekto ang nasabing lindol.
Samantala, ganap namanang alas-6:26 ng umaga nang maitala ang magnitude 3.1 na lindol sa Calatagan, Batangas.
Ang lokasyon ng lindol na natukoy sa layong 020 km timog kanluran ng Calatagan, Batangas na may lalim na 125 km at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, ang nasabing paglindol ay aftershock ng magnitude 6.6 na naitala noong nakalipas na Hulyo 24.