8 Chinese nationals na sangkot sa illegal online gambling itinapon ng BI

Ni NOEL ABUEL

Walong Chinese nationals na pawang sangkot sa online gambling operations ang ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) kaninang umaga.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco ang nasabing mga deportees na pawang mga nag-overstay na sa bansa at isinakay sa Philippine Airlines aircraft patungong Wuhan, China.

Nabatid na ito ang unang batch ng mahigit sa 300 foreign nationals na nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Philippine National Police (PNP) sa magkahiwalay na operasyon noong nakalipas na buwan.

Personal na pinangasiwaan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at Tansingco ang pag-monitor sa deportasyon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

“This is the first batch of deportees who voluntarily surrendered their documentation so they can go back to their home country,” sabi ni Tansingco.

“We have coordinated with their embassy to expedite the release of the travel documents of the rest of the deportees,” dagdag nito.

Maliban sa mga deportees, kinansela na rin ng BI ang visas ng 1,424 foreign nationals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na ang lisensya ay kinansela ng PAGCOR at bahagi ng mahigit sa 48,000 empleyado.

“We have prioritized the cancellation of those who have valid and existing visas, and are still in the country. We are still cross checking our database to see which ones are still in the country,” dagdag nito.

Ibinahagi ni Tansingco na isinama nila ang mga pangalan ng 1,424 sa kanilang database upang matiyak na ibinababa nila ang kanilang mga visa at kailangang umalis ng bansa sa loob ng 60 araw.

Ang mga hindi makakaalis ng bansa sa loob ng itinakdang panahon ay maaaring arestuhin at sisimulan ang mga paglilitis sa deportasyon laban sa kanila.

Nangako si Tansingco na titiyakin na ang mga ilegal na dayuhan sa bansa ay aarestuhin at ide-deport.

“We will not stop until we rid the country of foreign nationals who abuse our laws,” dagdag pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s