“Relax ka lang, grocery mo sagot ko” ni Sen. Revilla umaalagwa; 1 pa hinirit

Ni NOEL ABUEL

Dahil sa matagumpay na “RELAX KA LANG, GROCERY MO SAGOT KO” project ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ay maraming netizens ang humihiling na ibalik ito sa lalong madaling panahon.

Nabatid na umuusok ang social media accounts ni Revilla kung kailan mauulit ang napakasayang dulot na kaniyang inihandog sa RELAX KA LANG, GROCERY MO SAGOT KO! na may mga kalahok na nag-uwi ng malaking papremyo.

Nagsimula ang naturang pakulo nang magdiwang noong nakaraang Setyembre 25 ng kaniyang ika-56 kaarawan ang Senador na bahagi ng kaniyang ‘Alyas Pogi Birthday Giveaway’ ang paghakot ng grocery ng mga kalahok.

Sinasabing dahil sa dami ng nagpadala ng messages sa facebook account ni Revilla ay namili ng mga kalahok gamit ang randomizer na mula sa Sta. Teresita, Batangas, Atimonan, Quezon, Calauan. Laguna, Novaliches, Quezon City at Bacoor City na lahat ay nag-uwi ng sangkatutak na grocery items.

Isinagawa sa Robinson Main Square, sa Brgy. Bayanan, Bacoor Blvd., Bacoor City ang RELAX KA LANG, GROCERY MO SAGOT KO! na si Revilla mismo ang tumayong host kasama ang kaniyang maybahay na si Cavite Second District Rep. Lani Mercado-Revilla at ilang mga anak.

Binigyan ng pagkakataong humakot ang mga kalahok sa loob ng 3 minuto ngunit lubhang mapagbigay si Revilla kung kaya’t dinagdagan pa ang mga kalahok ng karagdang minuto at may mga nakahakot ng P30,000 hanggang P100,000.

Maliba sa sangkatutak na groceries ay binigyan pa ang lahat ng kalahok ng tig-P5,000 para sa kanilang pamasahe dahil sa may mga kalahok na nagmula pa sa malalayong lugar.

Dahil sa tagumpay ng naturang pakulo ay inuulan na ng kahilingan ang social media account ng senador kung kailan muling masusundan ang napakasayang RELAX KA LANG, GROCERY MO SAGOT KO!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s