
Ni NERIO AGUAS
Muling nakasabat ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ng tangkang pag-smuggle ng illegal na droga ng dalawang dayuhang nakukulong sa BI Detention Center sa Bicutan, Taguig
Sa ulat na isinumite ni BI Warden Facility Officer-in-Charge Adelfo Marasigan kay BI Commissioner Norman Tansingco, naharang sa mga dayuhang sina Robert Wayne Boling, Jr., 41-anyos, isang US national at Kwon Hyeok Soo, 41-anyos, na isang Korean national ang dalawang sachet ng shabu na tumitimbang ng nasa 7 gramo noong nakalipas na Oktubre 4.
Sinasabing tinangkang ipasok sa piitan ang nasabing illegal na droga na nakahalo sa Korean stew na delivery para kay Boling.
“The narcotic substance was found hidden inside a Korean stew that was delivered for Boling,” sabi ni Marasigan.
Magugunitang noong Setyembre 21, isa ring nakakulong na Korean national na si Yang Heejun ang nahulihan ng 4 gramo ng shabu na natagpuan na nakabalot sa plastic sa loob ng lalagyan ng kimchi.
Ayon kay Marasigan, ang mga ahente ng BI ay nagsimulang maghinala na sa tuwing may food delivery si Boling ay halos parehong oras kay Yang noong Setyembre.
Inamin naman ni Boling na pinakiusapan lamang ito ni Kwon na tunay na may-ari ng nasabing illegal na droga.
Kapwa kinasuhan sina Boling at Kwon na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Dahil sa nasabing insidente nagpatupad ng lockdown sa detention facility habang isinasagawa ang imbestigasyon dito.
Pinuri naman ni Tansingco ang mga ahente ng BI na nakatalaga sa detention center.
“This is our officers’ second drug apprehension in three weeks. And although it is highly commendable, we assure the public that the bureau will not allow these foreigners to use our detention facility as a nixqx a center for their illegal drug trade,” sabi ng BI chief.
Sina Boling at Kwon ay sasampahan ng kasong kriminal at sa sandaling mapatunayan ay kakaharapin ang parusa Bago ipatapon pabalik ng kani-kanilang bansa.
