Ormoc City umaani ng tagumpay dahil sa LGUs

Ormoc City Mayor Lucy Torrez-Gomez

Ni NOEL ABUEL

Tinawag ni Ormoc City Mayor Lucy Torres- Gomez na unti-unti nang namumunga ang itinanim na punla para umani ng tagumpay ang pamumuno nito sa lungsod.

Sa kanyang pahayag sa State of the City Address, sinabi ni Torres- Gomez na simula nang maging alkalde ito ng Ormoc ay ipinangako nitong gagawin ang lahat para maging maunlad ang lungsod at maiangat ang kabuhayan ng mga Ormocanons.

“It has been 112 days since I stood before you to take my oath of office as mayor of Ormoc City. I had wished for my beloved Ormoc to be a place where the happiness quotient is the main indicator for success. I wish for Ormoc to be a blue zone city, where people have low rates of chronic disease and live longer than anywhere else. I wish for Ormoc to be as beautiful and as peaceful a place as the people who call it home. For all these reasons, we planted the Tree of Dreams,” pahayag ni Torres- Gomez.

Tinawag nito ang “Tree of Dreams” na binubuo ng limang bahagi na; Soil of Peace, Roots of Health, Social Infrastructure, Physical Infrastructure at Branches of Prosperity.

Sa ilalim ng Soil of Peace component, na pundasyon ng kaunlaran ng lungsod na inilatag ni dating City Mayor at ngayon ay si Rep. Richard Gomez, ang lungsod ay nakapagbawas ng kabuuang dami ng krimen ng 28 porsiyento, kumikita para sa administrasyon ng lungsod na Best City Mobile Force Company award.

Gayundin, iniulat ni Torres-Gomez na tinatapos na ngayon ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang pag-update sa 10-taong Local Disaster Risk Reduction Management Plan para sa 2023 hanggang 2033, na gagamit ng pinaka-up-to-date at pinakadetalyadong risk maps upang matulungan ang lokal na pamahalaan na mas mahusay na magplano para sa pagsagip at pagtugon sa kalamidad at gawin ang Ormoc City na unang tunay na disaster resilient na lungsod sa buong bansa.

“Our approach to disaster resiliency will cover a range of measures from policy, to short- and medium-term solutions, to long-term infrastructure-based solutions. This includes plans to implement disaster resilience not as stand-alone projects, but rather as incorporated features in mainstream development projects,” sabi ng alkalde.

Habang sa “Roots of Health component”, sa kabilang banda, ay nakapaghatid ng mga serbisyo sa lahat ng edad na may espesyal na pagtuon sa nutrisyon para sa mga bata, edukasyon sa kalusugan para sa mga kabataan, pagpaplano ng pamilya para sa mga batang magulang at ang patuloy na pagpapalawak ng programang AGAK para sa rehabilitasyon ng mga dating gumagamit ng droga.

Nagbigay rin ang City health office ng mga pantulong na serbisyo tulad ng x-ray scanning, serbisyo sa pharmacy service, laboratory services, at blood donations

Sinabi pa ni Torres-Gomez na nakaplano na rin ang city government na maglunsad ng Ormoc Polyclinic, na nakikita nitong maa-acredit bilang PhilHealth Konsulta Package provider na pakikinabangan ng mga Ormocanons para makakuha ng libreng konsultasyon at mga testing services tulad ng urinalysis, sputum microscopy, pap smear, lipid profile (total cholesterol, HDL and LDL cholesterol, triglycerides), ECG, chest x-ray, at iba pa.

At sa Social Infrastructure, nakikita ni Torres-Gomez na masisimulan na ang reading camp upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at mapabuti ang reading and comprehension; patuloy na suportahan ang City Sports Office, na inilunsad noong termino ni Rep. Gomez bilang alkalde.

Gayundin upang bumuo ng mga kasanayan at talento sa sports sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay sa mga pasilidad ng world class ng mga world class trainer, at ang Youth Development Office upang tulungan ang mga taong nais na magsanay ng leadership skills; maglaan ng P50 milyong pondo para suportahan ang edukasyon ng 501 iskolar; at pagpapalawig ng technical and vocational courses na alok ng Ormoc City Technical Education and Skills Development Center; at pagsasaayos ng Ormoc Community College.

Iniulat din ng alkalde na sa kanyang unang 100 araw, natapos na ng City Engineering Office ang 17 day care centers at paaralan, 2 evacuation centers, 2 disaster resilience projects, 2 kalsada o tulay, 1 tourism project, 1 public market building, at ang 1 yugto ng isang pampublikong sementeryo. Sa kabilang banda, ang mga on-going projects ay kinabibilangan ng 3 evacuation centers, 2 disaster resilience projects, 11 kalsada at tulay, 1 tourism project, 2 public markets, 1 bahagi ng isang pampublikong sementeryo, 1 public library building at 1 water and sanitation project.

“I know too that great as my dreams for the city are, nothing comes from nothing. As time passes, the more I am very aware of how we are but parts of a whole, and that we are all in this together. So as best I can, I intend to support each department so that they, too, can contribute significantly to our tree of dreams,” sabi pa ni Torres-Gomez.

Leave a comment