
Ni NOEL ABUEL
ORMOC City – Hindi sang-ayon si Leyte Rep. Richard Gomez na ipagbawal ang hit Korean drama (Kdrama) sa Pilipinas dahil pinipigilan nito ang kalayaan sa pagpili ng mga Pilipino.
Sa isang panayam sa gitna ng Diamond Jubilee (75 years) celebration ng Ormoc City, iminumungkahi ni Gomez, isang multi-awarded na aktor, bago pumasok sa pulitika, maaaring limitahan na lamang ang pagbibigay ng mas maraming airtime sa mga lokal na ginawang telenovela.
Sinabi ni Gomez na isusulong nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magbibigay ng insentibo sa mga lokal na artista pati na rin ang mga producer ng mga lokal na pelikula at drama para sa makagawa ng de kalidad na pelikula.
“Para sa akin, limit na lang siguro ang pagpapalabas ng mga foreign shows to give more time to local shows. Mahirap kasing mag-ban, mawawala ang freedom of choice ng mga tao,” ani Gomez.
Gayunpaman, inamin ni Gomez na marami pa ring magagaling na artistang Pinoy na kayang makipagsabayan sa mga Korean actors at patunay na rito ay maraming parangal na tinaggap sa international competition.
“Hindi naman kulang sa acting style, magagaling ang mga artistang Filipino. The talent is there, tingin ko wala tayong kulang sa talent, very talented ang mga Pinoy, nagiging Congressman pa nga,” Anita.
“Ang production value ng important at this time, mahirap mag compete sa magandang production value, maganda yung story pero pag kulang sa quality hindi din competitive,” dagdag pa nito.
Una nang inihain ni Gomez ang House Bill 936 upang mapanatili ang pamana ng pelikulang Filipino para sa mga mag-aaral.
Nais ni Gomez na madaling magagamit ang mga Filipino films para sa pang-edukasyon, makasaysayang at kultura ng mga Filipino, pati na rin ang international community.
“This bill is premised on that hope or chance, no matter how slim and diminishing, that some copies of ‘lost’ Filipino classics may still be traced, acquired, and preserved for the benefit of our present and future generations,” ayon pa kay Gomez.