Davao Occidental dalawang beses nilindol

NI MJ SULLIVAN

Nakapagtala ng magkasunod na paglindol sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong umaga sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.5 na lindol dakong alas-6:11 ngayong umaga na natukoy sa layong 149 km timog  siangan ng Balut Island, sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.

Ganap namang dakong alas-10:15:ng umaga ang maitala ang ikalawang lindol na natukoy sa layong  447 km timog silangan din ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Naitala ang magnitude 5.1 na lindol  at may lalim itong 259 kms at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang epekto ang nasabing magkasunod na paglindol sa nasabing lugar at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment