Senador Revilla namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Malabon

Si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. habang namahagi ng tulong sa may 168 pamilya at 608 inidibidwal na mga biktima ng sunog sa Damata Letre, Barangay Tonsuya, Malabon City.

Ni NOEL ABUEL

Personal na binisita ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang mga pamilyang biktima ng sunog sa Barangay Tonsuya, Malabon City noong Linggo.

Pinagkalooban ni Revilla ng tulong ang may 168 pamilya at 608 inidibidwal na mga biktima ng sunog sa Damata Letre, Barangay Tonsuya, Malabon City at makiramay sa pagkawala ng ari-arian dahil sa sunog.

Naganap ang sunog noong Oktubre 16, dakong ala-1:50 ng madaling-araw at naapula nakalipas ang mahigit sa tatlong oras na umabot sa ikatlong alarma at umabot sa 140 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Dahil dito ay agad nagtungo si Revilla sa lugar na nasasakupan ni Brgy. Capt. Jennifer Loquez at kasama ni Revilla si Kapitana Angelica dela Cruz na isa ring artista na tumulong sa pamamahagi ng family food packs at relief packs na dala ng kampo ni Revilla.

“Narito ako para maghatid ng tulong at tingnan ang kalagayan ng bawat isa sa inyo, basta’t ako po ay hindi makakalimot sa inyo dahil hindi ninyo ako kinalimutan at pinabayaan, kaya hindi-hindi po namin kayo pababayaaan” pahayag ni Revilla.

Halos hindi magkamayaw ang tao sa pagdating ni Revilla dahil sa pananabik sa ipamamahaging tulong kung saan ay damang-dama sa lugar ang labis na kakulangan at pangangailangan ng mga nawalan ng tahanan at ngayon ay sama-sama sa mga evacuation centers.

“Lahat ng pagsubok kaya natin ‘yan, dahil hindi ‘yan ibibigay ng Diyos kung hindi natin kaya, ang importante ay buhay tayo, malakas ang ating pamilya, hindi tayo nagkakasakit—‘yan ang pinakaimportante” pahayag pa ni Revilla sa mga biktima ng sunog na seryosong nakikinig.

Sinabi pa ni Revilla na hindi lang materyal na tulong ang kailangan ng mga nawalan ng tirahan dahil kailangan ding ibalik muli ang tiwala sa Diyos at sarili para makapagsimula muli.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s