OFW reintegration programs dapat seryosohin — solon

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Kinikilala ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga sakripisyo ng mga overseas Filipino worker (OFWs) at ang kanilang mga kahanga-hangang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Go, patuloy na isinusulong nito ang mas malakas na mga hakbangin upang itaguyod ang kapakanan ng mga modernong bayani ng bansa, kabilang ang mga programang reintegration na nilayon para sa kanilang patuloy na pagbabalik sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Go na dahil ang pagpapalawak ng mga remittances ng OFWs ay nagpapasigla sa pag-unlad ng bansa, dapat na layunin ng gobyerno na hayaan ang pagpili ng trabaho sa ibang bansa sa halip na pangangailangan.

Kaya naman, inulit nito ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mga programa sa reintegration para sa mga OFWs, tulad ng livelihood support, wellness at financial literacy programs, at iba pang katulad na proyekto, alinsunod sa Department of Migrant Workers Act.

Sa bersyon ng Senado, ang Senate Bill No. 2234, na inakda at itinaguyod ni Go sa layuning mapabuti ang koordinasyon ng mga ahensyang tumutugon sa mga alalahanin ng mga migranteng manggagawang Pilipino at matiyak ang mahusay at epektibong paghahatid ng mga kritikal na serbisyong pampubliko sa mga OFWs.

“Itong mga OFWs natin, napakalaki po talaga ng naitutulong sa kanilang mga pamilya at pati na rin sa bansa. Kumakayod sila araw-araw, malayo sila sa kanilang mga pamilya, para lang siguraduhin na may makakain ang kanilang mahal sa buhay. Kaya kailangan nating gawin ang lahat upang masuportahan sila at ang kanilang mga pamilya,” paliwanag ni Go.

Idinagdag pa ng senador na habang ang kamakailang pagbaba ng piso kaugnay ng ibang mga pera ay maaaring magdulot ng mas mataas na halaga ng palitan at katumbas na pagtaas ng halaga ng kanilang mga remittance, gayunpaman ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas ay nahaharap sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin dahil sa epekto nito sa inflationary.

Noong Oktubre 25, ang foreign exchange ay iniulat sa PhP58.79 sa bawat US$1.

Inaasahang mananatiling malakas ang dolyar ng US hanggang sa katapusan ng taon dahil sa patuloy na giyera ng Russia-Ukraine at mga patakaran sa pananalapi ng pederal upang kontrahin ang domestic inflation sa US, bukod sa iba pang dahilan.

Kasunod nito, muling nanawagan si Go para mas paigtingin ang pagsisikap at palakasin ang mga oportunidad sa kabuhayan sa bansa upang matiyak na ang mahihirap na Pilipino ay makakabili pa rin ng mga pangunahing bilihin.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang taunang inflation sa bansa ay tumaas sa 6.9% noong Setyembre mula sa 6.3% noong Agosto, ang pinakamataas na antas mula noong Oktubre 2018. Ang pinakahuling figure ay itinaas ang average na inflation rate ng bansa sa unang siyam na buwan hanggang 5.1%.

“Isa po sa mga dahilan kung bakit nababahala ang ating mga kababayan sa pagbaba ng piso ay ang inflation rate. Kaya naman dapat ‘yun din ang kailangan nating tutukan sa ngayon, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Lahat po ay apektado. Bawat sentimo talaga ay napakahalaga,” sabi ni Go.

“Bilang isang legislator, asahan ninyo na tutulong po talaga ako kung anong mga panukala na makakatulong para makontina ang pagtaas ng inflation rate,” dagdag pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s