
Ni JOY MADELINE
Magsasagawa ng medical mission sa mga taong may kapansanan ang mga empleyado ng National Council on Disability Affairs (NCDA) sa lungsod ng Quezon.
Ang mga Persons with Disabilities ng Barangay Holy Spirit sa Quezon City sa pakikipag-ugnayan sa Kaagapay ng PWD ng Holy Spirit Inc. (KAAGAPAY) ang makikinabang sa nasabing medical mission sa darating na Nobyembre 7, 2022.
Ang mga taong may kapansanan sa Barangay Holy Spirit ay nakakaranas ng pagkakaroon ng pisikal, attitudinal, institusyonal, at mga hadlang sa impormasyon lalo na sa accessibility, availability, kaangkupan, at affordability sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
Ang pagtugon sa mga hadlang na ito ang sosolusyunan sa inisyatiba ng NCDA na makipagtulungan sa mga multi-sectoral stakeholders na lilikha ng kamalayan at mga ugnayan tungo sa pagkamit ng mga programa at serbisyong pangkalusugan na may kapansanan sa loob ng antas ng barangay.
Ang medical mission ay magbibigay ng libreng screening/assessments at booster vaccination para sa mga taong may kapansanan partikular na ang mga batang may kapansanan.
Kabilang dito ang basic physical examination, medical consultation, at check-ups pati na rin ang pagbibigay ng mga gamot, bitamina at hygiene kit gayundin ang interbensyon at referral system upang mabawasan at maiwasan ang karagdagang mga kapansanan.