Pagtatag ng Virology Institute isinulong ni Rep. Villar

Ni NOEL ABUEL

Isinusulong ni Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar ang paglikha ng isang ahensya ng virology na lalaban sa pandemya.

Sa House Bill 5683 o ang panukalang Virology Institute of the Philippines Act of 2022, sinabi ni Villar na umaasa itong mababago ang mga sistema upang mas mahusay na mapangasiwaan ang mga hinaharap na problema sa kalusugan ng publiko.

“Once enacted into law, this legislation will better equip the country with mechanisms and methods in dealing with another possible pandemic that could potentially wreak havoc into the lives and livelihood of people,” ayon sa mambabatas.

Ang nasabing panukala ay isasailalim sa Department of Science and Technology (DOST), na magiging focal agency sa pagsasagawa ng pananaliksik na may kaugnayan sa mga virus at viral disease sa mga tao, halaman at hayop.

Inaatasan din itong magtatag sa pakikipagtulungan ng mga eksperto at virology center sa buong mundo para magsagawa ng makabago at pangunguna sa pananaliksik na magsusulong ng virology sa bansa, kabilang ang pagbuo ng mga bagong gamot at bakuna.

“It is high time to pass this legislation as an immediate answer to prioritize the health and welfare of our countrymen,” sabi ni Villar.

Magugunitang sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo, kasama sa sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakaroon ng VIP bilang isa sa mga priority measure ng kanyang administrasyon, at hinimok ang Kongreso na ipasa ang batas.

Ang mga plano na lumikha ng isang virology institute ay nabalam matapos tumama ang COVID-19 pandemic kung saan ang DOST ay naglunsad ng mga programa upang bumuo ng paaralan at ang Bases Conversion and Development Authority ay maglalaan ng limang ektarya ng lupa sa New Clark City para sa pagtatayo ng institute sa kabila na nakabinbin pa ang panukala.

Sa 18th Congress, inaprubahan ng House of Representatives ang bersyon nito ng iminungkahing Virology Institute sa ikatlo at huling pagbasa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s