45 patay sa pananalasa ng TS Paeng

Abalang-abala ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways sa pagsasaayos ng nasirang tulay dahil sa tropical storm Paeng.
Sa kanan, gamit ang backhoe ay inaalis ng DPWH ang mga gumuhong lupa sa kalsada sa Tacloban-Baybay City South Road.

Nina NERIO AGUAS at MJ SULLIVAN

Aabot na sa 45-katao ang iniulat na nasasawi sa  mga pagbaha at pagguho ng lup dahil sa pananalasa ng tropical storm Paeng, ayon sa ulat ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Base sa inilabas na situation report ng NDRRMS, maliban sa mga nasawi ay nasa 31 iba pa ang iniulat na nawawala at nasa 14 naman ang iniulat na nasaktan dahil sa bagyon.

Nabatid na nakapagtala ng kabuuang 194 pagbaha kung saan 98 ang naitala sa Region 6, 77 sa Region 5, 12 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), anim sa Region 12, at isa naman sa CARAGA.

Nakapagtala rin ng 33 kaso ng pagguho ng lupa sa mga dinaanan ng bagyong Paeng tulad ng sa Cordillera Autonomous Region (CAR) partikular sa patungo sa Baguio, hindi madaanan ang Baguio-Bontoc Road, K0377+120-K0367+140, Gonogon Section, Bontoc, Mt. Province at K0387+600, Napu Section, Bontoc, Mt. Province dahil sa pagragasa ng mga bato at gumuho ang lupa.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi rin madaanan ang Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa K0642+790-K0642+980 Salagunting Section, Eva, Calanasan, Apayao at ang K0672+1180-K0172+1280 Rabaw Section, Naguilian, Calanasan, Apayao dahil din sa sa nasirang kalye at pagguho ng lupa.

Gayundin sa Kiangan-Tinoc–Buguias Road sa K0354+400, Ap-apid, Tinoc, Ifugao dahil sa pagragasa ng putik.

Habang sa Region II, hindi rin madaanan ang Manila North Road, K0611+680 Claveria Bridge –detour dahil sa nasirang tulay samantalang ang Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge at sa La Conwap Detour Road, La Conwap River sa kahabaan ng Jct Abbag-Nagtipunan-Nueva Viscaya Road (via Dupax), K0442+820 ay hindi rin madaanan dahil naman sa mataas na tubig baha.    

Ang Region III partikular sa Nueva Ecija-Aurora Road sa K0211+786, Diteki River Detour Road ay hindi rin madaanan dahil sa high water elevation at sa Region V sa Daang Maharlika, Bgy. Tuaca Basud, Camarines Norte ay hindi madaanan dahil sa bumagsak na mga puno.

At sa Region VI ang Aklan East Road, Kalibo Bridge ay hindi madaanan dahil sa nasirang tulay at sa Antique ang Bugasong-Valderama Road, Bulan-Bulan Bridge Bgy. Bagtason Valderama, Antique at sa Iloilo-Antique Road sa K0076+361-K0076+716 Bgy. Caromangay. Hamtic, Antique; Paliwan Bridge sa Bgy. Cubay North, Bugasong Antique na nasira ang tulay.

Nasira rin ang Caraycaray Bridge Detour sa Biliran at nakapagtala na landslide sa Sitio Pamotosan, Bgy. Makinhas, Baybay City, Leyte K0998+990 sa kahabaan ng Tacloban-Baybay South Road.

  Sa kabuuan, 34 na road section ang sarado at patuloy na isinasaayos ng DPWH upang madaanan ng mga motorista.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s