
NI NEILL ANTONIO
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naiwagayway ang bandila ng Pilipinas sa New York City, USA na isang makasaysayan kasabay ng pagdiriwang ng Filipino-American History Month.Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na si New York City Mayor Eric Adams ay nakipagtalakayan sa Filipino-American Community at sa Philippine Consulate General sa New York.
Sinabi ni Consul General Elmer G. Cato na ang historic flag raising ceremony ay pagkilala sa maraming kontribusyon at karangalan ng mga Filipino sa New York City partikular ang mga doctors, nurses, at iba pang healthcare workers kasunod ng COVID-19 pandemic.
Pinasalamatan ni Cato si Adams dahil sa inisyatiba nito na labanan ang diskriminasyon laban sa mga Filipinos at sa Asian Americans and Pacific Islanders (AAPI) community tulad ng pagdaragdag ng police visibility partikular sa subways.
Tiniyak din ni Consul General Cato kay Adams na makikipagtulungan ang Filipino-American Community sa New York City na matupad ang demokrasya, freedom, at equality.
“we need the immigrant population more than the immigrant population needs us. You all provide a service to this country that we should all be proud of,” sabi ni Adams.
Sinabi pa ni Adams na mahalaga ang inclusivity, at kinilala ang mga immigrants na nagsisilbi sa administrasyon nito tulad nina Commissioner Manuel Castro ng Immigrant Affairs – ang unang Mexican-American at first DREAMER na na-appoint; si Commissioner Edward Mermelstein ng International Affairs na isang Ukrainian-born; at Deputy Mayor Maria Torres Springer ng Economic and Workforce Development, ang kauna-unahan ding Filipino-American Deputy Mayor, na lumaki sa Pampanga.
Sa nasabing okasyon, isang cultural dance na ginawa ng Cebuanos Engaging In Building Unity, bago ang flag raising ceremony at nag-perform din ng Sinulog-Santo Niño Festival na sinundan ng pagsasalita ng Filipino nurse of a major New York City hospital, Ms. Quimberly Villamer.
Inawit din ang Lupang Hinirang at ang Star-Spangled Banner ng Filipino Soprano na si Ms. Mheco Manlangit.
Nagsuot din ang mga Filipino-Americans ng barong, ternos, at iba Filipiniana attire na nagwagayway ng bandila ng Pilipinas.
