Alyas Jimmy Patricio, ginagamit ang pangalan ni BoC chief Yogi Ruiz sa pangongolekta?

 SINO si Jimmy Patricio?

                Ito ang tanong ngayon sa loob at labas ng pantalan matapos umugong ang pangalan nito na nanghihingi umano ng tara ngayon sa lahat ng Customs broker, gamit ang pangalan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Yogi Felimon Ruiz.

                Kailangang maagapan ito ni Commissioner Ruiz dahil kung hindi ay baka maapektuhan agad ang kanyang puwesto at pangalan.

                Ayon sa ating impormante, marami nang kinakausap at tinatawagan si  Patricio.

                Karamihan sa mga ito ay mga Customs broker na gusto nang makapaghanapbuhay sa ‘water gate’ ng bansa.

                Ang problema, kada isang Customs broker ay hinihiritan umano ni Patricio ng P5-10 million kada isa.

                Kailangan daw ay magbigay sila ng ganitong uri ng halaga sa Office of the Commissioner (OCom) bilang garantiya na makapaghanapbuhay uli sila nang maayos.

                Kapag walang lagay, tiyak hindi sila papayagang makapagtransaksiyon uli sa BoC.

                Sinasabing mahigit 10 Customs brokers na ang nahingan ni Patricio at sa ‘conservative estimate’.

Kung tig-P5 million ang kada isa sa kanila, tiyak ay nakalikom na ang kumag ng tumataginting na P50 million.

Goodwill pa lamang iyan at wala pa P10,000 tara kada-lata o container sakaling matuloy ang mga transaksiyon.

                Sa kada-lata pa lang na P10,000 ay malaking halaga na kasi isipin n’yo kung ilang libong container ang lumalapag sa pantalan kada-araw. Kaya ilang P10,000 din iyan ‘in one day!’

Ang kalokohan ni Patricio ay nangyari nitong nakalipas na araw lamang at hindi malayong marami pang Customs brokers ang mahihingan nito ng ‘multi-million peso cash advance’ sa mga susunod na araw.

At bago magalit sa atin si Commissioner Ruiz, gusto kong linawin na ang artikulong ito ay panawagan natin sa kanya hindi para sirain ang kanyang pangalan.

                Mas gusto kong isipin ni Ruiz na katuwang niya tayo sa pagbibigay ng mahalagang impormasyon upang mapanatiling malinis ang kanyang administrasyon sa Customs.

Kung talagang walang basbas o blessings niya ang ginagawa ni Patricio, dapat ay ipaaresto niya agad ito bago mahuli pa ang lahat.

                Huwag sanang kalimutan ni Ruiz na hanggang ngayon ay maraming nakaabang sa kanyang puwesto at hindi malayong magamit ito sa kanya ng mga kalaban upang matanggal siya bilang hepe ng BOC.

                Isa sa umuugong na maging BoC commissioner ay si dating PNP Gen. Noel Estanislao na dating hepe ng DILG Task Force Jericho.

                Kapag nagpabaya si Ruiz, sayang ang hinahawakan niyang puwesto na hanggang ngayon ay batbat ng intriga at kontrobersiya.

                Wala pang malaking accomplishment ang administrasyon ni Pangulong Marcos kontra kurapsiyon at kapag nadakip si Patricio, malaking bagay ito para sa pamahalaang nangako ng ‘Sama-sama tayong Babangon Muli’ at hindi iyong ‘Sama-sama tayong Mababaon Muli!

                Samantala, para sa mga kapangalan o namesake ni Mr. Jimmy Patricio. Kung hindi kayo ang tinutukoy ko ay huwag kayong magalit sa akin.

                Kung talagang wala kayong transaksiyon na nanghihingi ng ‘advance’ sa mga Customs brokers ay walang dahilan para magalit kayo sa inyong lingkod.

                Naniniwala tayong gumagamit lamang ng alyas itong loko-lokong Jimmy Patricio.

                Malaki rin ang paniniwala natin na madali siyang ma-trace ng ‘intelligence community’ dahil isa ring dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Ruiz na tiyak ay maalam din sa ‘intelligence work.’

                Iyan ay kung totoong walang ‘go signal’ ni Ruiz ang kalokohan ni Patricio!

                Tama ako, Executive Secretary Lucas Bersamin at Finance Secretary Benjamin Diokno, Sirs?

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s