21 Albay politicians sumanib sa Lakas-CMD

Personal na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpapanumpa sa mga bagong miyembro ng Lakas-CMD mula sa lalawigan ng Albay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nakamasid naman ang iba pang opisyal ng Kamara na naging saksi.

Ni NOEL ABUEL

Siyam na alkalde, walong provincial board members at apat na lungsod ng Albay ang sumanib sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang pinakamalaking pulitikal partido sa Kongreso.

Pinangunahan ni House Speaker Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, ang panunumpa ng mga bagong party members.

“We welcome our local government officials from Albay to our ranks. We are looking forward to having a productive engagement with them,” ani Romualdez.

Kabilang sa mga alkalde na sumanib sa Lakas-CMD sina Polangui Mayor Adrian Salceda, Paul Garcia ng Guinobatan, Wilfredo Maronilla ng Libon, Sharon Escoto ng Oas, Alan Arandia ng Pio Duran, Carlos Irwin Baldo Jr. ng Camalig, Carlwyn Baldo ng Daraga, Dick Galicia ng Rapu Rapu, at Joseling Aguas ng Sto. Domingo.

Samantala ang mga board members ay sina Jesus Salceda Jr., Juan Miguel Salceda, Dante Arandia, Victor Ziga Jr., Melissa Abadeza, at Eva Lopez Ribaya, na nanumpa sa Lakas-CMD.

Gayundin sina Councilors Roberto Lucila, Luis Gutierrez at Sunshine Imperial ng Legazpi City at Caroline Ziga-So ng Tabaco City ang pinakahuling Albay officials na sumanib sa pinakamalaking political party.

Tumayong saksi naman sina House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, at dating Ako Bicol party-list Rep. Pido Garbin, sa panunumpa ng mga bagyong miyembro ng Lakas-CMD.

Leave a comment