
NI NOEL ABUEL
Mainit na sinalubong si Senador Bong Revilla Jr. ng mga residente ng lalawigan ng Antique at Aklan nang mamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng nagdaang bagyong Paeng.
Tuwang-tuwa ang mga residente ng San Jose, Antique nang mgatungo si Revilla kasama si Antique Governor Rhodora Cadiao na namahagi ng Family Food Packs, relief packs at financial assistance sa mga residente na karaniwan ay nawalan ng tahanan at kasalukuyang naninirahan sa mga evacuation center.
“Si Sen. Bong Revilla ang kauna-unahang senador na pumunta sa ating probinsiya matapos tayong masalanta ng bagyong Paeng,” bahagi ng pahayag ni Gov. Cadiao bago nito ipinakilala si Revilla sa entblado ng Antique National High School na punung-puno ng mga tao.
Dumalo rin Vice Gov. Edgar Denosta, Hamtic Mayor Jun-jun Pacificador, BM Maye Plameras, BM Victor Condez, BM Emmanuel Palacios, BM Pio Dumande, BM Dante Beriong at SP Rony Molina na lahat ay sumama kay Revilla sa pamamahagi ng tulong.
Nagsagawa rin ng site inspection si Revilla sa Nagdayao Pis-Anan Road kung saan halos 700 metrong habang kalsada ang nawasak dahil tinangay ng baha at kasama umano ito sa mga prayoridad na dapat matugunan dahil hindi makatawid ang mga sasakyan.
Samantala, nagpasalamat naman ni Aklan Mayor Dexter Caliso sa pagdating ni Revilla at namahagi rin ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyo.
“Kahit maliit lang po ang bayan natin, siya lang po ang senador na bumisita at personal na nagbigay ng ayuda para sa Balete,” sabi ni Caliso nang dumating si Revilla sa Balete, Aklan para mamahagi ng tulong sa lahat ng naging biktima ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Punong-puno ng residente ang Balete Sports Center kung saan isinagawa ang pamamahagi ni Revilla ng Family Food Packs at relief packs sa mga residente na nawalan ng tirahan at ang iba ay nainirahan na lamang sa mga evacuation centers.
Dumalo rin pagdating ni Revilla sina Aklan Governor Joen Miraflores, Vice Gov. Reynaldo Quimpo, Vice Mayor Patrick Lachica, BM Mark Quimpo, BM Mark Ace Bautista at BM Teddy Tupaz na buong araw sinamahan si Revilla. Tulad ng karaniwang reaksiyon ay sinalubong na naman ng yakap at halik si Revilla bilang pasasalamat umano sa pagtungo ni Revilla sa Balete, Aklan.
