Gold Stevie Award iginawad kay Rep. Villar

Ni NOEL ABUEL

Hinirang bilang Government Hero of the Year ng prestihiyosong Stevie Awards for Women in Business si Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar sa awarding ceremonies na ginanap sa Caesar’s Palace sa Las Vegas, USA noong nakalipas na Nobyembre11.

Si Villar ay pinarangalan sa ilalim ng kategorya ng pagtugon sa COVID-19 sa kanyang kahanga-hangang gawain sa panahon ng pandemya at dahil dito, natukoy ng mga hukom ng Stevie Award na igawad ang Gold Stevie Award sa kongresista.

“It is truly an honor to be recognized by Stevie Awards for our work particularly in our fight against COVID-19. I am grateful to the board of judges for acknowledging the vaccine incentives program that we established called May Bahay sa Bakuna to boost the vaccine uptake of our constituents in Las Piñas,” pahayag ni Villar matapos matanggap ang balitang parangal.

Inilunsad ni Villar ang May Bahay sa Bakuna noong kalagitnaan ng 2021 upang hikayatin ang mga dating nag-aalangan na residente ng Las Piñas na magpabakuna laban sa COVID, kapalit ng mga entry sa raffle bonanza na nagbibigay ng reward sa mga mapapalad na nanalo ng non-monetary benefits na kinabibilangan ng mga grocery items, motorsiklo at bagong house and lot package.

Ang Government of the Hero category ay ibinibigay sa “mga babaeng empleyado ng gobyerno na lumampas sa tungkulin sa 2020-22 upang panatilihin ligtas at may kaalaman” ang lahat sa gitna ng pandemya.

“I share this award to our local government officials, city health officers as well as our constituents who continue to serve with passion despite the difficulties during the pandemic,” ayon sa House leader.

Ang Stevie Awards for Women in Business ay bukas sa lahat ng organisasyon sa buong mundo, at kinikilala ang mga tagumpay ng mga babaeng executive, negosyante, at mga organisasyong pinapatakbo ng mga ito.

Kabilang sa mga hukom ang pinakarespetadong executive, negosyante, innovator, at business educator sa mundo.

Nabatid na mahigit sa 1,000 propesyonal sa buong mundo ang lumahok sa Stevie Award bawat taon.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s