Sen Tulfo: DepEd confi funds gamitin para protektahan ang mga estudyante!

Ni NOEL ABUEL

Sa kabila ng pahayag ng buong suporta si Senador Raffy Tulfo sa inaprubahang P710 billion budget ng Department of Education (DepEd) ay nanindigan ito na dapat gamitin ang confidential funds ng departamento para matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga mag-aaral.

Paliwanag ni Tulfo, kailangang protektahan ng DepEd ang mga mag-aaral mula sa mga child molester, kidnapper, nagbebenta ng droga, at iba pang mga masasamamg loob.

Idinagdag nito na mayroon ding mga reklamo na natanggap nito noon patungkol sa talamak na pambu-bully at pangha-harras mula sa mga hindi estudyante sa labas ng campus, at nais nitong matugunan ang mga problemang ito.

“We have to protect the welfare of the children. Kung sa Amerika, ‘yung mga estudyante ang madalas nagiging biktima ng mass shooting, sa Pilipinas naman, may mga reports in the past na may mga pusher na nagbebenta ng droga sa paligid ng eskwelahan at iba pang criminal elements prowling the perimeters of the school. The confidential funds can be used to track down who these people are and pre-empt them from victimizing students,” paliwanag pa ni Tulfo.

Nauna nang ibinunyag ng DepEd na laganap na ang mga ulat tungkol sa “sexual grooming cases, sexual abuse, and cases of drugs being sold in schools.”

Sinabi ng senador mula sa Isabela at Davao na maaaring pangunahan ng DepEd ang pangangalap ng impormasyon o intelligence networking upang tumulong sa pag-aasikaso sa mga naturang isyu dahil “overwhelmed” na diumano ang Philippine National Police (PNP) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“PNP & PDEA are already overwhelmed as it is so it will be best kung magkakaroon ang DepEd ng sariling intelligence network to easily track down people taking advantage of the lack of security in schools, as opposed to aasa na lang sila sa PNP at PDEA,” saad pa ni Tulfo.

Sinabi rin nito na dapat tiyakin ng DepEd na ang School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na nakalaan para sa Departamento ay talagang maibibigay sa mga guro at paaralan hanggang sa huling sentimo.

Binanggit muli ni Tulfo ang mga reklamong natanggap niya noon mula sa ilang mga guro sa pampublikong paaralan na napilitang maglabas ng pera mula sa sarili nilang mga bulsa para makabili ng mga pangangailangan sa silid-aralan, tulad ng chalk, eraser, at electric fan.

Dahil sa kakulangan ng pondo, pinilit aniya ng ilang mga guro ang mga estudyante na mag-ambag sa mga gastusin para sa janitorial services, utility bills, seguridad at iba pang campus maintenance.

Ilang estudyante rin aniya ang napilitang magdala ng “baon” para makabili ng pagkain sa canteen kung saan ginagamit ang kinita sa maintenance ng paaralan.

Ang confidential funds para sa DepEd ay P150 million at ang MOOE nito ay P135 million.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s