
Ni NERIO AGUAS
Makakaasa nang ligtas ang mga residente ng San Jose, Antique mula sa pagbaha kasunod ng pagtatapos ng flood control project sa Sibalom River.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), natapos nang gawin ang proyekto sa nasabing ilog na malaking tulong para sa mga residente ng San Jose, Antique.
Ipinaliwanag ni DPWH Region 6 Director Nerie D. Bueno na ang natapos na flood control structure sa Barangay San Pedro ay kinapapalooban ng 244-lineal meter revetment wall at apat na 30-lineal meter spur dikes.
Ang natapos na proyekto ay magkokonekta sa kasalukuyang esplanade project sa coastal barangay na magsisilbing alternatibong ruta para sa maliliit na sasakyan, na makakatulong para mabawasan ang trapiko sa kahabaan ng Iloilo-Antique Road.
Makakatulong din ito para pigilan ang pagguho ng lupa mga kalapit na kalsada, na nagpapahintulot para sa isang mas ligtas at mas malinaw na paglalakbay sa Barangay San Pedro, na isa sa mga atraksyong panturista sa munisipalidad ng San Jose, na kilala sa magagandang backdrop at sparkling rivers.
Ipinatupad ng DPWH Antique District Engineering Office ang proyekto sa halagang P47 milyon.
